-
Roma 12:6-8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 At dahil sa walang-kapantay na kabaitan ng Diyos, tumanggap ang bawat isa sa atin ng iba’t ibang kakayahan,*+ kaya kung ito ay may kinalaman sa panghuhula, manghula tayo ayon sa taglay nating pananampalataya; 7 kung sa paglilingkod sa iba, patuloy tayong maglingkod;* kung sa pagtuturo, patuloy siyang magturo;+ 8 kung sa pagpapatibay, patuloy siyang magpatibay;+ kung sa pamamahagi, maging mapagbigay siya;+ kung sa pangangasiwa, maging masipag* siya;+ o kung sa pagpapakita ng awa, gawin niya ito nang buong puso.+
-