Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Daniel 9:24-27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 24 “May 70 linggo* na itinakda para sa iyong bayan at banal na lunsod,+ para wakasan ang pagsuway, tapusin ang kasalanan,+ magbayad-sala para sa pagkakamali,+ maghatid ng walang-hanggang katuwiran,+ tatakan ang pangitain at hula,*+ at atasan* ang Banal ng mga Banal.* 25 Dapat mong malaman at maintindihan na pagkalabas ng utos na ibalik sa dating kalagayan ang Jerusalem+ at itayo itong muli, lilipas ang 7 linggo at 62 linggo,+ pagkatapos ay lilitaw ang Mesiyas*+ na Lider.+ Ibabalik ito sa dating kalagayan at itatayong muli na may liwasan* at kanal, pero sa isang mahirap na panahon.

      26 “Pagkalipas ng 62 linggo, papatayin ang Mesiyas,+ at walang anumang matitira sa kaniya.+

      “At ang lunsod at ang banal na lugar ay wawasakin ng mga hukbo* ng isang paparating na pinuno.+ Magwawakas ito na para bang may dumating na baha. At hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digmaan; ang naipasiya ay pagkawasak.+

      27 “At para sa marami, pananatilihin niyang may bisa ang tipan sa loob ng isang linggo; at sa kalagitnaan ng linggo, patitigilin niya ang paghahain at ang pag-aalay ng handog na kaloob.+

      “At ang dahilan ng pagkatiwangwang ay darating na nakasakay sa pakpak ng kasuklam-suklam na mga bagay;+ at hanggang sa paglipol, ang naipasiya ay sasapitin din ng* isa na nakatiwangwang.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share