14 Kaya ang Salita ay naging tao+ at namuhay kasama namin, at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatian na tinatanggap ng kaisa-isang anak+ mula sa kaniyang ama; at nasa kaniya ang pabor ng Diyos at nagtuturo siya ng katotohanan.+
37 Kaya sinabi ni Pilato: “Kung gayon, hari ka nga ba?” Sumagot si Jesus: “Ikaw mismo ang nagsasabi na ako ay hari.+ Ipinanganak ako at dumating sa sanlibutan para magpatotoo tungkol sa katotohanan.+ Bawat isa na nasa panig ng katotohanan ay nakikinig sa tinig ko.”+
13 Sa harap ng Diyos, na nagpapanatiling buháy* sa lahat ng bagay, at ni Kristo Jesus, na nagbigay ng mahusay na patotoo sa harap ni Poncio Pilato,+ inuutusan kita
11 Nakita kong bumukas ang langit, at nakita ko ang isang puting kabayo.+ At ang nakasakay roon ay tinatawag na Tapat+ at Totoo,+ at siya ay humahatol at nakikipagdigma ayon sa katuwiran.+