-
Lucas 22:28-30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
28 “Gayunman, kayo ang mga nanatiling kasama ko+ sa aking mga pagsubok;+ 29 at nakikipagtipan ako sa inyo para sa isang kaharian, kung paanong nakipagtipan sa akin ang aking Ama,+ 30 para makakain kayo at makainom sa aking mesa sa Kaharian ko+ at makaupo sa mga trono+ para humatol sa 12 tribo ng Israel.+
-
-
Apocalipsis 20:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
4 At nakakita ako ng mga trono, at ang mga nakaupo sa mga iyon ay binigyan ng awtoridad na humatol. Oo, nakita ko ang dugo ng mga pinatay* dahil sa pagpapatotoo nila tungkol kay Jesus at pagsasalita tungkol sa Diyos, ang mga hindi sumamba sa mabangis na hayop o sa estatuwa nito at hindi tumanggap ng marka sa noo at kamay nila.+ At nabuhay sila at nagharing kasama ng Kristo+ sa loob ng 1,000 taon.
-