Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g85 8/22 p. 3-4
  • Kaligayahan—Ang Paghahanap Nito

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kaligayahan—Ang Paghahanap Nito
  • Gumising!—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Saan Kaya Masusumpungan ang Tunay na Kaligayahan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Kaligayahan—Napakailap
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Ang Kalusugan at Kaligayahan—Papaano Mo Masusumpungan ang mga Ito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Tunay na Kaligayahan sa Paglilingkod kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Iba Pa
Gumising!—1985
g85 8/22 p. 3-4

Kaligayahan​—Ang Paghahanap Nito

IPINAPAHAYAG ng Deklarasyon ng Kalayaan ng Estados Unidos ang karapatan sa ‘buhay, kalayaan, at sa paghahanap ng kaligayahan.’ Sa marami ngayon, ang susing salita ay paghahanap. Ginagawa nila ito nang buong pananabik, pinupuno ang bawat minuto ng walang-tarós na gawain. Bumubugsô sa mga istadyum para sa mga palaro, nakatalungko sa mga screen ng computer para sa mga larong elektronik, nakapako ang mata sa mga programa ng TV upang punan ang mga oras sa gabi, nagpaplano ng mga dulo-ng-sanlinggo na punô ng katuwaan, naglalakbay sa buong daigdig sakay ng mga eroplano, at sa iba pang paraan ay abalang-abala sa sosyal na mga pagdiriwang. Ang marami ay bumabaling pa nga sa nakapipinsalang mga droga upang maging ‘high.’ Ang anumang bagay at lahat ng bagay upang maiwasan ang bakanteng panahon kung saan sila ay maaaring maupong tahimik at nag-iisa​—at ang pagkabagot. Ang walang-tarós na paghahanap na ito ng kaligayahan, gayunman, ay hindi kailanman nagdudulot ng tunay na kaligayahan.

Ang iba ay nagtataguyod ng bagong mga istilo ng buhay sa kanilang paghahanap ng kaligayahan. Ang pag-aasawa ay hindi na ipinalalagay na nagbubuklod​—madaling makuha madali ring mawala, ang diborsiyo sa anumang dahilan o walang dahilan, ang mga bata ay paro’t-parito sa kanilang mga magulang. Ang mga binata at dalaga ay handalapak na nagpapakalabis sa malayang sekso. Ang mga mag-asawa ay namumuhay nang hindi kasal​—walang pangako, walang sabit, malayang humiwalay at sumama sa kaninumang maibigan. Ang iba ay namumuhay na magkasama sa homoseksuwal na mga kaugnayan, o indibiduwal na itinataguyod ang kanilang masama at lisyang pag-uugali. Sa lahat ng mga pag-eeksperimentong ito, ang mga tao ay naghahasik lamang sa laman at sa wakas ay aani ng pagdadalamhati ng isipan, mga pagkadama ng kasalanan, mga paninibugho, napakasakit na mga paghihiwalay, at mga karamdaman​—kalimita’y walang lunas. Ang “bagong moralidad” ay umaani ng mas maraming kahirapan kaysa dating imoralidad.

Sinusukat ng marami ang kaligayahan sa materyal na mga pag-aari, ngunit ang pagtitipon nito ay nagpapatindi lamang sa paghahangad dito na parang katí na lalong kumakati habang kinakamot. At maligayang kinakamot ito ng mga ahensiya ng anunsiyo, inilalako ang kaakit-akit na mga larawan upang kanilang ipakita​—mga larawan na pinatutunayan tangi ng wastong tatak ng mga damit na isusuot, mga alak na iinumin, ng mga kotseng patatakbuhin, ng mga bahay na bibilhin, at ng marami pang mga panlabas na bagay na ipaliligid nila sa kanilang sarili.

Pinalalaki pa ng siyensiya ang materyalistikong baha, gaya ng reklamo ng biyologong si René Dubos: “Kadalasan, ang siyensiya ngayon ay ginagamit sa teknolohikal na mga aplikasyon na walang kaugnayan sa mga pangangailangan ng tao at ang layon lamang ay lumikha ng bagong artipisyal na mga kagustuhan.” Ang mga kagustuhang ito, sabi niya, kapag nasapatan “ay hindi nakadaragdag sa kaligayahan o sa kahulugan ng buhay.” Sa mayamang mga bansa ang teknolohiya ay ginamit sa walang saysay na produksiyon para sa di-matalinong paggamit. Para sa marami ang udyok na bumili ng mga bagay kahit hindi kailangan ay napakalakas. Ang espirituwal na mga pagpapahalaga ay nadadaig ng materialistikong baha.

Nang si Stewart Udall ay kalihim na panloob ng Estados Unidos, sabi niya: “Tayo ang may pinakamaraming kotse sa alinmang bansa sa daigdig​—at ang pinakagrabeng tapunan ng basura. Tayo ang mga taong may pinakamaraming ginagamit na sasakyan sa lupa​—at tayo rin ang pinakamatrapik. Gumagawa tayo ng pinakamaraming enerhiya, at tayo rin ang may pinakamaruming hangin.” Sinabi niya iyan mga ilang taon na ang nakalipas, at tinawag niya itong “isang kapahamakan ng pangkontinenteng mga kasukat.” Ngayon, pagkaraan ng mga ilang taon, ito’y isang kapahamakan ng pangglobong mga kasukat. Mga ilang taon na ang alkalde ng isang malaking lunsod sa Amerika ay nagbiro na “kung hindi tayo maingat tayo ay maaalaala bilang ang salinlahi na naglagay ng tao sa buwan samantalang lubog hanggang tuhod sa basura.” Ngayon, pagkalipas ng mga ilang taon, ang mga siyentipiko ay nagbababala na maaaring tayo na ang huling salinlahi​—wakas.

Kung ang ating mga pandama ng pagpapahalaga-sa-sarili ay nauudyukan lamang ng panlabas na mga pag-aari sa halip ng panloob na mga pagpapahalaga, hindi magtatagal ang mga damdaming iyon ay hihina at tayo ay magiging biktima ng ngumangatngat na pagkadiskontento. Ang materialismo taglay ang panlabas na mga palamuti o gayak nito ay walang magagawa upang sapatan ang matinding panloob na mga pangangailangan ng espiritu ng tao, at hindi ito kailanman aakay sa kaligayahan. “Ang walang-takdang kasiyahan ng lahat ng mga pagnanasa,” sabi ng psychoanalyst na si Erich Fromm, “ay hindi mabuti sa kagalingan, ni ito man ang daan sa kaligayahan o kahit na sa ganap na kasiyahan.” Ngunit matagal na bago pa si Fromm, isang kinasihang matalinong tao ang tahasang nagsabi nito: “Nakita ko rin kung bakit ang tao ay nagpapagal upang magtagumpay: ito’y sapagkat siya’y naiinggit sa mga bagay na taglay ng kaniyang kapuwa.”​—Eclesiastes 4:4, Today’s English Version.

Ang iba, na diskurahe at nawalan ng pag-asa, ay naghahangad ng kasiyahan sa pagbabaon ng kanilang mga sarili sa walang saysay na mga pagkakaabala sa sarili. Sa bagay na ito ang The Culture of Narcissism ay nagsasabi: “Walang pag-asa na pasulungin ang kanilang mga buhay sa anumang mga paraan, ang mga tao ay kumbinsido na ang mahalaga ay ang pangkaisipang pagpapasulong sa sarili: pag-alam ng kanilang mga damdamin, pagkain ng mga pagkaing pangkalusugan, pag-aral ng ballet o belly dancing, pagpunô ng kanilang isipan ng mga karunungan ng Silangan . . . Nililinang nila ang makulay na mga karanasan, pinasisigla ang matamlay na laman, sinisikap na buhayin ang saíd na mga gana.”​—Mga pahina 29, 39, 40.

Ang paghahanap ng kaligayahan sa pamamagitan ng napakaraming gawain, o bagong mga istilo ng buhay o materyal na mga paghahangad, o pagkakaabala sa sarili​—isa man dito ay hindi kailanman nagdudulot ng tunay at nagtatagal na kaligayahan.

Ano, kung gayon, ang kinakailangan upang ikaw ay lumigaya?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share