Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 3/8 p. 20-21
  • Ang Diyos—Nagmamalasakit Ba Siya sa Akin?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Diyos—Nagmamalasakit Ba Siya sa Akin?
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Diyos ay Nagmamalasakit
  • Kung Paano Natin Nalalaman na Siya ay Nagmamalasakit
  • Ikaw ba’y Nagmamalasakit sa Diyos?
  • Sino ang Diyos?
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
  • Tulungan ang Mga Tao na Makalapit kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Talagang Nagmamalasakit sa Iyo ang Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Talaga Bang May Nagmamalasakit sa Akin?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 3/8 p. 20-21

Ang Pangmalas ng Bibliya

Ang Diyos​—Nagmamalasakit Ba Siya sa Akin?

“HINDI ko na ito matatagalan!” sabi niya. “Kung mayroon lamang akong lakas ng loob na magpakamatay, maaari kong wakasan ang mahirap na buhay sa hinatulang daigdig na ito.”

Si Jill ay “walang makitang layunin sa pamumuhay sa isang daigdig ng kabiguan, pagkapoot, at karahasan.” Inaakala niya na ang ginhawa ay magmumula sa mga droga, alak, at musika. Subalit hindi ito nagdulot ng ginhawa. Nang pangalatin ng diborsiyo ang mga membro ng kaniyang pamilya sa iba’t ibang direksiyon, siya ay nagtanong: “Nasaan ang Diyos sa lahat ng panahong ito?”

Kapag nangyayari sa iyo ang masamang mga bagay, sumasa-isip mo ba ang gayunding katanungan? Tapatan, nasaan ba ang Diyos sa ating sinasalot-sakunang ika-20 siglo? Isa itong katanungan na dapat harapin ng sinuman na nagnanais maniwala sa isang Diyos ng pag-ibig. Talaga bang nababahala ang Diyos sa kung ano ang nangyayari sa mga tao? Talaga bang nagmamalasakit siya sa iyo?

Ang Diyos ay Nagmamalasakit

Tumingin ka sa paligid mo. Kung ang Diyos ay hindi nagmamalasakit sa mga tao, bakit pa siya nagsikap na lumikha ng masarap na mga pagkain, nakagigiliw na mga hayop na nagpapasaya sa puso, at ng kahanga-hangang likas na mga tanawin? Kahit na ang pangit na mga slum sa lunsod ay pinagaganda ng marikit na mga paglubog ng araw. Gaya ng sabi ni apostol Pablo sa sinaunang mga taga-Licaonia, ang Diyos “ay nagbigay ng sapat na katibayan upang makilala ninyo siya sa pamamagitan ng mabubuting bagay na ginagawa niya sa inyo: binibigyan niya kayo ng ulan mula sa langit, pinasasagana niya ang inyong ani sa takdang panahon, binibigyan niya kayo ng pagkain at pinaliligaya kayo.”​—Gawa 14:17, The Jerusalem Bible.

Gayunman dapat tanggapin na hindi babaguhin ng marikit na mga paglubog ng araw ang isang hindi maligayang pamilya tungo sa isang maligayang pamilya. Hindi inaalis ng nakatutuwang mga hayop ang kirot na dala ng kamatayan ng mga mahal sa buhay. Hindi mapagiginhawa ng masarap na mga prutas ang sawing mga puso. Kung ang Diyos ay talagang nagmamalasakit sa tao, bakit wala siyang ginagawa tungkol sa mga sanhi ng paghihirap sa ngayon?

Ang sagot ay na siya ay may ginagawa upang lunasan ito, at ikaw ay maaaring makinabang. Isaalang-alang ang sumusunod na katibayan na ang Diyos ay talagang nagmamalasakit sa iyo.

Kung Paano Natin Nalalaman na Siya ay Nagmamalasakit

◻ Nilayon ng Diyos na isang kahanga-hangang paraiso ang hahalili sa kasalukuyang naghihirap na sistema ng mga bagay. Maliwanag na inilalarawan ng Bibliya ang isang lupa kung saan “hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng dalamhati man o ng panambitan man o ng hirap pa man.” (Apocalipsis 21:4) Sino ang tatahan sa ilalim ng mga kalagayang ito? “Ang mga maaamo ang siya mismong magmamay-ari ng lupa, at tunay na kanilang masusumpungan ang katangi-tanging kasiyahan sa kasaganaan ng kapayapaan.” (Awit 37:11) Bakit hindi buksan ang iyong Bibliya sa Isaias mga kabanatang 11, 35, at Isa 65 at basahin ang higit pa tungkol sa Paraisong ito?

◻ Upang gawing posible na IKAW ay mabuhay sa Paraisong iyon, inilaan ng Diyos ang kaniyang sinisinta, bugtong na Anak. “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan anupa’t ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang bawat magsasagawa ng pananampalataya sa kaniya ay huwag mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16) Dahil sa kaayusang ito, pati na ang mga patay ay maaaring makinabang sa Paraisong iyon sa lupa sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli sa buhay.​—Juan 5:28-30.

◻ Upang IKAW ay makinabang sa paglalaan ng Diyos, isinaayos niya na ang mabuting balita ng kaniyang Kaharian ay ipangaral sa buong lupa. “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.” (Mateo 24:14) Sa ilalim ng pangangasiwa ng kaniyang Anak, inatasan ng Diyos ang kaniyang bayan na “gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng bansa.”​—Mateo 28:18-20.

Subalit upang makinabang sa pagmamalasakit sa iyo ng Diyos, mayroon kang dapat gawin. Dapat mong ipakita sa Diyos na ikaw ay nagmamalasakit sa kaniya.

Ikaw ba’y Nagmamalasakit sa Diyos?

Wari bang kakatuwa iyan? Hindi dapat maging gayon. Tutal, sa anumang kaugnayan sa pagitan ng dalawang tao, hindi makatuwiran na asahan na isa lamang sa kanila ang magmamalasakit, hindi ba? Totoo ito kung tungkol sa kaugnayan sa pagitan ng isang tao at ng Diyos na Jehova. Paulit-ulit, nililinaw ito ng kaniyang Salita. “Magsilapit kayo sa Diyos, at siya’y lalapit sa inyo,” ang himok ng Santiago 4:8.

Binabanggit kung ano ang inaasahan ng Diyos mula sa kaniyang bayan, ang Deuteronomio 30:19, 20 ay nagsasabi: “Aking inilagay sa harap mo ang buhay at kamatayan, ang pagpapala at sumpa; kaya’t piliin mo ang buhay upang ikaw ay mabuhay, ikaw at ang iyong binhi, na iyong ibigin si Jehova na iyong Diyos, na sundin ang kaniyang tinig at lumakip sa kaniya.” Anong laking kasawian kung hindi natin makamit ang walang hanggang mga pakinabang ng pakikipag-ugnayan sa Diyos dahilan sa kakulangan ng wastong pagkabahala sa ating bahagi!

‘Paano ako makatitiyak na nagmamalasakit ako sa Diyos, na ito’y talagang mula sa aking puso?’ maitatanong mo. Ipagpalagay nang ikaw ay hilingin ng Diyos na gumawa ng hindi popular na paninindigan sa kaniyang kapakanan o magsagawa ng isang di-popular na paglilingkod sa kaniya, gaya ng pangangaral sa madla. Papaano ka tutugon? Handa mo bang ipakita sa pamamagitan ng iyong mga gawa na ikaw ay nagmamalasakit sa Diyos at sa kaniyang Anak? Si Jesus ay nagbabala: “Sapagkat ang sinumang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita sa lahing ito na mapangalunya at makasalanan, ay ikahihiya rin naman siya ng Anak ng tao pagparito niyang nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ng mga banal na anghel.”​—Marcos 8:38.

Sa kabilang dako, lubhang pinahahalagahan ni Jehova at ni Jesus yaong mga indibiduwal na nagmamalasakit sa kanila at sa kanilang tunay na mga lingkod sa ngayon. Sabi ni Jesus: “At sinumang magbigay ng kahit isang sarong tubig na malamig sa isa sa maliliit na ito, sapagkat siya’y alagad ko, sinasabi ko sa inyo ito: ang taong iyon ay tiyak na tatanggap ng gantimpala.”​—Mateo 10:41, 42, The New English Bible.

Oo, ang Diyos ay nagmamalasakit sa iyo, sa matuwid-pusong mga tao sa buong daigdig ngayon, kahit na roon sa mga nasa libingan. Subalit ang pagmamalasakit ay tulad ng isang kalyeng dalawang-daanan. Ikaw ba ay nagmamalasakit sa Diyos? Kung gayon, at kung handa kang ipakita na ikaw ay nagmamalasakit, isang walang hanggang kinabukasan ang mapapasa-iyo.

[Mga larawan sa pahina 20]

Bakit inilaan ng Diyos ang mga bagay na ito kung hindi siya nagmamalasakit?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share