AIDS, Pagsasalin ng Dugo, at ang mga Saksi ni Jehova
“Sa nakalipas na taon o higit pa, ang panganib ng AIDS sa dugo at mga produkto ng dugo ay nagpatindi ng takot sa tinatawag na ‘bloodbank roulette.’ Ang bagong mga pagsubok sa dugo (taglay ang kanilang di-maiiwasang porsiyento ng palsong mga negatibo) upang tiyakin ang mga tagapagdala ng AIDS ay hindi nagbibigay ng garantiya na ang ahente na naghahatid ng AIDS ay hindi tatagos sa lawa ng dugo ng ating bansa. Sa kabilang panig, dahilan sa kanilang kaugnay na di-maiiwasang bilis ng palsong mga positibo, inilantad ng mga pagsubok na ito ang mga nagkakaloob ng dugo sa panganib na mapagkamalang mga tagapagdala ng AIDS. Ang uring ito ng pagmamarka ay maaaring magkaroon ng matinding sosyolohiko, pangkabuhayan at edukasyonal na mga implikasyon para sa kapus-palad na nagkaloob ng dugo. Sa panahong ito ng computer, ang mga pagsisikap upang tiyakin ang pananatiling lihim ay lubhang di-sapat . . . Alam nila [ng mga doktor na nagtatrabaho may kaugnayan sa AIDS] ang kaugnayan sa pagitan ng panustos na dugo ng bansa at ng AIDS . . . Hindi ba nila matanggap na itinataguyod ngayon ng siyentipikong katibayan ang relihiyosong pagtutol ng mga Saksi ni Jehova (ang tampulan ng matinding galit ng mga nagsasagawa ng modernong medisina) sa pagsasalin ng dugo?”—The People’s Doctor, Isang medikal na babasahín para sa mga mamimili, tomo 9, No. 5, ni Dr. Robert S. Mendelsohn.