Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 11/8 p. 10-11
  • Nabuhay Ka Na Ba Noon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nabuhay Ka Na Ba Noon?
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Umiral Ka na ba sa Daigdig ng Espiritu?
  • Nasa Anyong Tao Subalit Hindi Tao
  • Ang Layunin ng Diyos sa Paglikha ng Kaluluwa
  • Mayroon Ka Bang Imortal na Kaluluwa?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Kaluluwa
    Gumising!—2015
  • Buhay Pagkatapos ng Kamatayan—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Mapaniniwalaan Mo ang Isang Paraisong Lupa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 11/8 p. 10-11

Ang Pangmalas ng Bibliya

Nabuhay Ka Na Ba Noon?

“NATATANDAAN ko pa ang marami sa aking nakalipas na mga buhay​—kung minsan ako ay isang lalaki, kung minsan ay babae.” Ipinaliliwanag ng artistang si Shirley MacLaine kung paano niya narating ang konklusyong iyon sa kaniyang pinakamabiling aklat na Out on a Limb. Sa simula siya ay “namangha na malaman, na ang reinkarnasyon ay hindi lamang isang bahagi ng karamihan ng mga Silanganing paniniwala . . . kundi na ang karamihan ng kilalang mga intelektuwal sa Kanluran ay may ganito ring palagay.”

Oo, higit na mga tao kaysa maaaring akalain mo​—pati na ang daan-daang angaw na mga Buddhista at mga Hindu​—ang naniniwala na sila ay nabuhay na noon. Naniniwala sila na mayroong isang bagay sa loob nila​—tinatawag ito ng marami na kaluluwa​—na nakaliligtas sa kamatayan at na ipinanganganak-muli sa isa o higit pang sunud-sunod na mga pag-iral. Ang “isang bagay” na ito ay nagbabalik sa anyong tao, o gaya ng sabi ng iba sa anyong hayop o gulay pa nga. Karamihan sa kanila ay sumasang-ayon na ang layunin nito ay upang unti-unting dalisayin ang kaluluwa o akayin ang indibiduwal sa pangwakas na kasakdalan.

Kaya, ang ideya na ang isa ay nabuhay na noon o marahil ay mabubuhay na muli ay maaaring maging kaakit-akit, nakaaaliw pa nga. Subalit totoo ba ito?

Umiral Ka na ba sa Daigdig ng Espiritu?

“Oo,” sabi ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, na ang mga membro ay karaniwang tinatawag na mga Mormon. Ang yumaong James E. Talmage, isang apostol ng simbahan, ay sumulat tungkol sa “maraming patotoo sa kasulatan na ang mga espiritu ng tao ay umiral na bago ang kanilang makalupang pagsubok​—isang kalagayan na doon ang mga matatalinong ito ay nabuhay at isinagawa ang kanilang kalayaang pumili bago sila nanungkulan sa mga tabernakulong pangkatawan.”

Totoo, si Jesus, ang Anak ng Diyos, ay umiral sa langit bago siya nabuhay sa lupa. (Juan 6:38, 62) Sa katunayan, ito ang umakay kay Talmage na isulat na “makatuwirang maghinuha na kung ang Kaniyang makalupang pagsilang ay ang pagsasama ng isang dati nang umiiral o antemortal na espiritu sa isang mortal na katawan ay gayundin ang pagsilang ng bawat membro ng pamilya ng tao.”

Samantalang nasa langit, si Jesus ay laging naging masunurin sa kaniyang Ama. Kaya ang kaniyang makalupang paninirahan ay hindi idinisenyo upang ilagay siya sa “makalupang pagsubok,” na para bang siya ay isang makasalanan. Sa kabaligtaran, siya ay sakdal, walang kasalanang tao, maaari niyang tubusin ang mga makasalanan, maaari niyang “ibigay ang kaniyang kaluluwa na isang pantubos na kapalit ng marami.” (Mateo 20:28) Kaya si Jesus ay natatangi, ang “isang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao.” (1 Timoteo 2:5, 6) Ang kaniyang atas ng paglilingkod sa lupa ay pansamantala. Pagkatapos maisagawa ito, maaari siyang bumalik sa kaniyang tunay na tahanan, sa langit.

Ngunit sa liwanag ng mga bagay na ito, maaari ba nating tukuyin ang langit na ating tahanan na gaya ng pagtukoy niya rito?

Nasa Anyong Tao Subalit Hindi Tao

Noong unang panahon, ang di-nakikitang espiritung mga nilalang, ang mga anghel, ay nagkatawang-tao sa pamamatnugot ng Diyos. (Genesis 19:1; Lucas 1:26-28) Subalit noong mga kaarawan ni Noe, ang ilan sa kanila ay gumawa ng gayon sa kanilang sariling pagkukusa. Bakit? Dahilan sa masakim na layunin na pagtatamasa ng seksuwal na kaugnayan sa mga babae. (Genesis 6:2) Yamang hindi ito ang kaayusan ng Diyos para sa mga anghel, ang kanilang hakbang ay isa na pagsuway. Tinatawag sila ng Bibliya na “mga anghel na hindi nanatili sa kanilang dating katayuan kundi iniwan ang kanilang sariling talagang tahanang dako.” (Judas 6) Maliwanag, kung gayon, ang langit ang “talagang tahanang dako” ng mga anghel, kung paanong ang lupa ay para sa mga tao.​—Ihambing ang Awit 115:16; 1 Corinto 15:39, 40.

Si Jesus ay aktuwal na “naging laman” nang siya ay pumarito sa lupa. (Juan 1:14) Hindi gayon kung tungkol sa mga anghel na ito. Sila ay basta nagkatawang-tao na iniwan nila noong panahon ng Baha upang magbalik sa dakong espiritu. Gayunman, dahilan sa kanilang paghihimagsik ikinulong sila ng Diyos “sa kalaliman sa pusikit na kadiliman upang ilaan sa paghuhukom.” Hindi na sila maaaring magkatawang-tao upang mamuhay sa lupa.​—2 Pedro 2:4.

Kaya ang mga halimbawa ni Jesus at ng mga anghel na nagkatawang-tao ay hindi wastong gamitin upang patunayan na ang mga tao ay umiral na sa dakong espiritu “bago pa ang kanilang makalupang pagsubok,” gaya ng itinuturo ng mga Mormon. Subalit ipinupuwera ba nito na ang isa ay maaaring nabuhay noon bilang tao dito sa lupa?

Ang Layunin ng Diyos sa Paglikha ng Kaluluwa

Sa katunayan, ang susi upang alamin kung baga ang tao ay nabuhay na noon o hindi​—alin sa dakong espiritu o sa lupa​—ay ang alamin kung baga siya ay mayroon o walang kaluluwang hindi namamatay. Ganito ang paglalarawan ng Genesis 2:7 sa paglikha sa unang kaluluwang tao: “At nagpatuloy ang Diyos na Jehova na anyuan ang tao mula sa alabok ng lupa at hingahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay, at ang tao ay naging isang kaluluwang buháy.”

Pansinin na ang kaluluwa ay hindi inilarawan bilang isang bagay na naiiba at hiwalay sa walang buhay na katawan. Sa katunayan, pagkatapos lamang na bigyan ng Diyos ng enerhiya o lakas ang walang-buhay na katawan ng “hininga ng buhay,” sa gayo’y pinasisimulan ang paghinga, na ang kaluluwang si Adan ay nabuhay. Kapag humihinto ang paghinga at ang puwersa ng buhay ay tumitigil, ang katawan minsan pa ay nagiging walang buhay. Ang tao “ay nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding iyon ay nawawala ang kaniyang pag-iisip.” (Awit 146:4) Dapat niyang hintayin ang araw ng pagkabuhay-muli upang muling mabuhay. (Juan 5:28, 29) Samantala, “walang gawa ni katha man ni kaalaman man ni karunungan man” sa kamatayan. (Eclesiastes 9:5, 10) Sa madaling sabi, ang kaluluwa ay patay.

Ipinakikita ng maraming teksto sa Bibliya na ang kaluluwa ay maaaring puksain, sa gayo’y pinabubulaanan ang pagkawalang-kamatayan ng kaluluwa ng tao. (Ezekiel 18:4, 20; Awit 22:29; Gawa 3:23; Apocalipsis 16:3) Kung patay ang kaluluwa, ano pa ang natitira upang ipasa muli sa ibang katawan? Bukod pa riyan, bakit pa nga kakailanganin ang anumang bagay na ipapasa? Nang lalangin ng Diyos ang mga kaluluwang tao, tinawag niya ang mga ito na “napakabuti.” Magagawa niya ito sapagkat sila ay nilikhang sakdal, idinisenyong mabuhay magpakailanman sa lupa. (Genesis 1:31) Ang mga ito ay mga kaluluwa na hindi kinakailangang dalisayin; sila ay dalisay na sa moral na paraan. Ni sila man ay mga kaluluwa na kinakailangang mamatay upang mabuhay na muli. Ang buhay na walang hanggan na nasa balangkas ng kanilang orihinal na pag-iral sa lupa ang kanilang pag-asa.

Ang sagot ng Bibliya sa kung baga ikaw ay nabuhay na noon​—alin sa dakong espiritu o sa lupa​—ay maliwanag. Maliwanag din ang pagkakataon na iniaalok sa iyo ng Diyos na balang araw ay mabuhay magpakailanman sa isang paraisong lupa. Nanaisin mo bang makaalam nang higit?

[Blurb sa pahina 11]

Ipinakikita ng mga isang daang teksto sa Bibliya na ang kaluluwa ng tao ay maaaring mamatay, mapuksa; makakasumpong ka ba ng isa na nagsasabi na ito ay walang kamatayan?

[Mga larawan sa pahina 10]

Ikaw ba itong lahat?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share