Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 4/22 p. 29-30
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • 1986​—Taon ng Kapayapaan?
  • Balita Tungkol sa Sipon
  • Iprinograma para sa mga Siesta
  • Ang Bagong Marian Year
  • Pagkagising-muli sa Relihiyon
  • Pilipit na mga Pagpapahalaga
  • Inaantok na mga Piloto
  • Meriendang “Ilawan”
  • Mga Teleponong Itinatapon
  • Mga Saksing Nalilibre
  • Mga Silid sa Otel para sa mga Hindi Naninigarilyo
  • Ang Taon Para kay Maria—Nagkakaiba-ibang Palagay
    Gumising!—1988
  • Bakit Dapat Ipahayag ang “Taon Para kay Maria”?
    Gumising!—1988
  • Ahas
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Gaano Kaligtas ang mga Eroplano?
    Gumising!—1999
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 4/22 p. 29-30

Pagmamasid sa Daigdig

1986​—Taon ng Kapayapaan?

Ang nakaraang taon ay ipinahayag ng United Nations bilang ang Internasyonal na Taon ng Kapayapaan. Gayunman, noong 1986 mayroong higit na armadong labanan sa buong daigdig kaysa anumang taon mula noong Digmaang Pandaigdig II. Ang konklusyong ito ay narating ng isang pangkat sa pamantasan sa Hamburg na nagtala ng mga digmaan pagkatapos ng 1945 at ang mga sanhi nito. Sang-ayon sa pahayagang Aleman na Schwäbische Zeitung, ang mga mananaliksik ay nakabilang ng 37 mga digmaan noong 1986​—ang ilan sa mga ito ay nag-aalab na sa loob ng 20 taon.

Balita Tungkol sa Sipon

Ikaw ay minsan lamang “magkaroon” ng sipon dahil sa virus. Pagkatapos niyan ikaw ay hindi na tinatablan nito. Subalit mayroong mga 200 virus na maaaring pagmulan ng sipon. Iyan ang dahilan kung bakit, sa gulang na 60, karamihan ng mga tao ay minsan lamang sipunin sa isang taon, kung sisipunin man, samantalang ang mga bata ay sisipunin ng anim o walong ulit sa isang taon. Paano ba kumakalat ang mga virus ng sipon? Bihirang sa pamamagitan ng isang pag-ubo o isang paghatsing na dinadala ng hangin, sabi ng mga doktor. Ang paghipo ang siya ngayong ipinalalagay na pangunahing pinagmumulan ng pagkahawa. Hinihipo ng may sipon ang kaniyang ilong at ikinakalat ang mga mikrobyo sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay sa anumang bagay na kaniyang hipuin. “Ang mga ito ay maaaring manatiling buháy sa loob ng ilang oras sa mga kamay, sa matigas na mga bagay at sa mga panyo,” sabi ni Dr. Sheldon L. Spector, isang klinikal propesor ng medisina sa U.C.L.A. “Napupulot ng malulusog na mga tao ang virus sa pamamagitan ng kanilang mga kamay at nahahawa ang kanilang mga sarili sa paghipo sa kanilang ilong at mata.” Ang madalas na paghuhugas ng kamay at paggamit ng mga disimpektante ay waring siyang pinakamabuting paraan upang iwasan ang pagkalat o pagkakaroon ng sipon.

Iprinograma para sa mga Siesta

Ang tao ay sinasabing nagtataglay ng isang uri ng panloob na orasan na sumusubaybay sa kaniyang kakayahan sa pagtulog, ulat ng El Universal, isang pahayagan sa Mexico. Ang mga mananaliksik, sina Juergen Zullev at Scot Campbell ng Max Planck Psychiatric Institute sa Munich, Alemanya, ay nagsasabi na ang tao ay pisiolohikal na iprinograma para sa tatlong pang-araw-araw na mga siesta karagdagan pa sa kaniyang normal na pagtulog sa gabi. Gayunman, sang-ayon sa pag-aaral, sinupil ng tao ang kaniyang pangangailangan sa mga siesta sa pamamagitan ng trabaho at pag-inom ng kape.

Ang Bagong Marian Year

Isang pantanging taon na inialay kay Birheng Maria ay ipinahayag ni Papa John Paul II. Ito’y magsisimula sa Hunyo at siyang kauna-unahang Marian Year na ipagdiriwang ng mga Katoliko sapol noong 1953-54. Ang taóng iyon ay idineklara upang ipagdiwang ang ika-100 anibersaryo ng doktrina ng Imaculada Concepcion, na nagsasabing si Maria ay ipinanganak nang walang minanang kasalanan. Ang bagong Marian Year, sabi ng papa, ay ipagdiriwang bilang paghahanda “sa ikatlong milenyo ng panahong Kristiyano.” Winakasan niya ang kaniyang pahayag sa pagsasabing: “Ang 1987 nawa ay maging isang taon na doon isasa-isang tabi ng tao ang mga pagkakabaha-bahagi ng nakalipas, isang taon na doon, sa pag-unlad at pagkakaisa, ang bawat puso ay naghahangad ng kapayapaan.”

Pagkagising-muli sa Relihiyon

Ang relihiyon ba ay nagbabalik sa Estados Unidos? Oo, sabi ng U.S. News & World Report. “Ang pilosopyang ang Diyos-ay-patay ay patay na mismo,” sabi ng magasin. “Ang siyensiya ay hindi nakapaglaan ng lahat ng sagot sa mga katanungan tungkol sa buhay.” Ang mga taong mahilig sa relihiyon ay sinasabi ngayon na nakadarama ng pagtitiwala sa pagpapahayag ng kanilang mga paniniwala. Ang mga magulang, na naghahanap ng matatag na mga pagpapahalaga na inaakala nilang inilalaan ng simbahan, ay nagbibigay sa kanilang mga anak ng relihiyosong edukasyon. Kahit na ang maraming prominenteng mga pulitiko ay hayagang ipinahahayag na ang relihiyon ay isang mahalagang puwersa sa kanilang buhay. Ipinakikita ng mga surbey na ang relihiyon ay nagkakaroon ng halaga sa lipunan. “Minsan pa ang pagsasagawa ng relihiyon ay kagalang-galang,” sabi ng teologong si Martin Marty. Subalit susog niya: “Mayroon ding mabuting mga dahilan upang matakot sa relihiyon: Ang mga tao ay pumapatay sa ngalan ng Diyos, o sa pagpapatibay ng batas ay kanilang pinupuwersa ang minoridad na mga hindi naniniwala o ‘iba ang paniniwala.’”

Pilipit na mga Pagpapahalaga

Samantalang 800 milyong mga tao sa nagpapaunlad na daigdig ang “namumuhay sa labis na karalitaan at salát na salát,” sabi ng The Courier, “mahigit na $1.5 milyon sa bawat minuto” ang ginagamit sa pandaigdig na pagkakagastos sa militar. Ang publikasyon ng UNESCO ay nagsabi pa: “Sa bawat sundalo ang katamtamang pandaigdig na pagkakagastos sa militar ay $20,000. Sa bawat batang mag-aaral ang katamtamang pagkakagastos sa edukasyon ng bayan ay $380. Sa bawat 100,000 katao sa daigdig mayroong 556 na mga sundalo, subalit mayroon lamang 85 mga doktor. Isang-kalima lamang ng taunang pagkakagastos sa mga armas ay maaaring pumawi sa pandaigdig na gutom sa taóng 2000.”

Inaantok na mga Piloto

Sa kabila ng mga tuntunin sa kaligtasan, “ang mga piloto ng komersiyal na mga airline . . . ay kung minsan . . . nakakatulog samantalang nagpapalipad ng mga eruplano sa mahabang magdamag na mga paglalakbay,” ulat ng The Mexico City News. “Paminsan-minsan, ang lahat ng nasa silid ng piloto ay sabay-sabay na nakakatulog samantalang ang eruplano ay lumilipad nang kusa o awtomatik,” sabi ng isang mananaliksik. Sinisisi ni Dr. Martin C. Moore-Ede, isang eksperto tungkol sa pag-iiskedyul ng trabaho at pagtulog, ang suliranin sa “pagkabagot at kakatwang mga iskedyul na pumupuwersa sa mga piloto na magtrabaho sa di-karaniwang mga oras anupa’t walang panahon upang ang kanilang katawan ay makibagay o mag-adjust.” Ibinatay ni Moore-Ede ang kaniyang mga konklusyon sa isang pag-aaral na isinagawa sa isang airline gayundin sa mga panayam sa mga piloto. Sa isang transkontinental na paglipad tungo sa Los Angeles, ang eruplano ay lumipad ng 100 milya (160 km) na palihis sa ibayo ng Pacific Ocean bago ginising ng mga tripulante sa lupa (ground crew) ang natutulog na mga piloto sa pamamagitan ng pagpapatunog ng rupeke sa silid ng mga piloto. “Kapag ikaw ay nasa loob ng kamarote o cabin at kapag ikaw ay nag-aantok,” sabi ni Dr. Moore-Ede, “alalahanin mo na ang lalaking nasa unahan ay tao rin.”

Meriendang “Ilawan”

Isang tatlong-piyeng-haba (1 m) na ahas ang dinala sa ospital ng mga hayop ng University of Florida para marikonosi. Isiniwalat ng isang X-ray sa ahas na ito ay nakalulon ng dalawang 15-watt na mga bumbilya. Isang pambihirang pagkain para sa isang ahas, sabi mo? Hindi kung ang mga ito ay mga itlog ng manok, sabi ng mga beterenaryo, na naniniwalang ito ang maaaring inakala ng ahas sa mga bumbilya. Anuman ang dahilan sa pagbabago nito ng pagkain, ang mga bumbilya ay naalis sa pamamagitan ng operasyon, ulat ng New Scientist. Si Elliot Jacobson, ang beterenaryong nagsagawa ng operasyon, ay umaasa na ang ahas ay lubusang gagaling at ibabalik sa kagubatan.

Mga Teleponong Itinatapon

Maaaring paginhawahin ng mga telepono ang inyong pananatili sa isang ospital o maaari nitong gawing grabe. Ang dahilan ay na ang mga telepono ay maaaring magtago ng maraming uri ng baktirya at mahirap disimpektahin. Sa Estados Unidos mga dalawang milyong pasyente sa isang taon ang nahahawa samantalang nasa ospital​—ang marami ay sa pamamagitan ng paggamit ng telepono. Ipinakikita ng isang pag-aaral ng CDC (Centers for Disease Control) sa Atlanta na mula 20,000 hanggang 30,000 sa kanila ang mamamatay. Ngayon, bilang isang pangontrang hakbang, binibigyan ng ilang mga ospital ang kanilang mga pasyente ng malinis, nakaimpakeng, plastik na mga telepono na maaari nilang itapon o iuwi pagkatapos nilang tumigil sa ospital. Ang mga teleponong itinatapon ay nagkakahalaga ng mula $5 hanggang $15 bawat isa at may garantiya sa loob ng isang taon. Ang paggamit ng mga ito ay nakatulong din sa mga ospital na mabawasan ang ninanakaw o sirang mga telepono.

Mga Saksing Nalilibre

Ang sinumang makapagpapatunay ng “isang pormal at kapani-paniwalang pagiging membro ng relihiyosong samahan ng mga Saksi ni Jehova” ay malilibre sa paglilingkod sa militar. Ito ang pasiyang iginawad ng Federal Administration Tribunal ng Berlin, sabi ng pahayagang Aleman na Tagesspiegel. Sang-ayon sa opinyon ng mga hukom, ang pagtatapat ng relihiyosong doktrina ng mga Saksi ay tatanggapin na ngayon bilang mabisang katunayan ng pagtangging maglingkod sa militar dahil sa budhi.

Mga Silid sa Otel para sa mga Hindi Naninigarilyo

Ang mga restauran at mga airline ay hindi na nag-iisa sa pagbibigay sa mga parokyano ng lugar para sa mga hindi naninigarilyo. “Kamakailan lamang, sinamantala rin ng mga otel ang damdaming laban-sa-paninigarilyo na lumalaganap sa E.U.,” sabi ng The Wall Street Journal. Nagsisimula lamang sa ilang mga silid na nilinis at ibinukod para sa mga parokyano na ayaw ng nananatiling amoy ng tabako at sigarilyo, ang ilang magkakaugnay na mga otel ngayon ay nagbubukod ng hanggang 15 porsiyento ng kanilang mga silid bilang no-smoking na mga silid at nagsisimula nang itaguyod ang serbisyo. Hindi lamang ito napatunayang totoong popular sa mga parokyano kundi ito rin ay kapaki-pakinabang sa mga otel, yamang ito ay nagbabawas ng 26 na porsiyento ng panahon upang linisin ang mga silid na walang-nagsisigarilyo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share