Mga Namamatay Dahil sa Tabako sa Gresya
GINAGAMIT ang titulo ng isang popular na awiting Griego, isang reporter ang sumulat na may panunuya: “Oo, ‘Hindi Namamatay ang Gresya,’ subalit namamatay ang mga Griego.”
“Sampung libong mga tao ang namamatay taun-taon dahil sa paninigarilyo, dito lamang sa ating bansa,” ulat ng isang artikulo sa pahayagan sa Atenas na Eleftheros Typos. Ang ilan ay naniniwala na ang dami ng mga namamatay dahil sa tabako ay maaaring doble ng dami niyan. Ang Gresya ay isang bansa na gumagawa-ng-tabako, at ang paninigarilyo ay isang lumalawak na bisyo sa gitna ng mga Griego sa kabila ng maraming mga ulat kamakailan tungkol sa mga panganib na bunga ng paninigarilyo.