Homoseksuwalidad at ang Klero
Mayroon nga bang mahalagang kaugnayan? Ganito ang sabi ng iginagalang na magasing The Atlantic Monthly: “Ang mga opisyal ng kalusugan na nakikitungo sa mga sakit na seksuwal na naililipat ay malaon nang nakababatid tungkol sa dami ng homoseksuwalidad sa gitna ng mga paring Katoliko. Sa pananalita ng isa sa gayong opisyal, ‘Ako at ang karamihan ng mga direktor ng kalusugan-bayan na nakausap ko tungkol sa paksang ito ay tumataya na sa aming mga pamayanan hindi kukulanging sangkatlong bahagi ng mga paring Katoliko na wala pang kuwarenta’y singko anyos ay mga homoseksuwal, at ang karamihan ay seksuwal na aktibo. Sila halos ay laging nakikipagtalik kahit kanino, ang pinakamapanganib na sekso sa lahat.’”—Pebrero 1987, pahina 48.
Kumusta naman ang homoseksuwalidad at ang klero ng iba pang mga relihiyon? Pagkatapos talakayin ang maraming kaso ng AIDS sa gitna na mga paring Katoliko, ganito ang sabi ng The New York Times tungkol sa sakit na ito na pangunahin nang naikakalat sa pamamagitan ng homoseksuwal na gawain: “Naapektuhan na ng AIDS ang maraming Amerikano, pati na ang mga rabbi, mga paring Episcopal, mga ministrong Baptist at iba pang klerigo.”