Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 7/22 p. 8-9
  • Ano ang Kinabukasan Natin at ng Ating mga Anak?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Kinabukasan Natin at ng Ating mga Anak?
  • Gumising!—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Pagliligtas ng Lupa Buhat sa Kapahamakan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Ang Pananampalataya at ang Iyong Kinabukasan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • May Taning Na ang mga Araw ng Satanismo
    Gumising!—1994
  • Malapit Na ang Isang Daigdig na Walang Digmaan
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 7/22 p. 8-9

Ano ang Kinabukasan Natin at ng Ating mga Anak?

ANG isang pamilya ay hindi maaaring gumastos ng higit kaysa kinikita nito at manatili pa ring matatag sa kabuhayan. Ang isang bansa ay hindi maaaring magbayad ng higit kaysa tinatanggap nito at gayunman ay manatiling maunlad; ni maaari man kaya nating ipagpatuloy ang ating paggastos ng pondo ng bayan na laan para sa kapaligiran. Hindi natin maaaring aksayahin ang higit na lupa kaysa nagagawa, lumikha ng mas maraming carbon dioxide kaysa maaaring gamitin ng mga halaman, putulin ang mas maraming punungkahoy kaysa maipapalit natin, dumhan ang mas maraming hangin at tubig kaysa kayang irisiklo ng lupa. Ang mga kakapusang pangkapaligiran, gaya ng pambansang mga kakapusan, ay humihiling ng isang pagtutuos o pagkukuwenta. Ang mga ito ay pagbabayaran, alin sa salapi at internasyonal na pakikipagtulungan o sa mga buhay​—natin o ng ating mga anak.

Ginawang posible ng modernong teknolohiya ang pagpahamak sa lupa. Maaari itong gamitin upang hadlangan ito. Bakit hindi ito ginagamit upang hadlangan ito? Pag-ibig sa salapi. Magkakahalaga ito ng bilyun-bilyon. Hindi nakikita ng daigdig na ito​—o dahil sa kasakiman nito ay hindi nito makikita​—ang kabila pa roon ng sarili nitong panandaliang materyalistikong mga hangarin. Yamang ayaw nitong gumastos ng salapi upang hadlangan ang mga ito, ito ay magbabayad sa pamamagitan ng pagkawala ng pang-ibabaw na lupa, pagkawala ng kagubatan, pagkawala ng aquifers, pag-init ng atmospera, pagkalason ng tubig, dumaraming sakit, buhay ng tao. At upang huwag mawala ang materyal na pakinabang nito mula rito, ipinagbibili ng daigdig na ito ang kinabukasan ng mga anak nito.

Magigising kaya ito nang nasa panahon? Ang sagot ng kasaysayan ay hindi nagbibigay ng pag-asa, subalit ang sagot ng Diyos ay nagbibigay ng pag-asa. Sinasabi mismo ng Diyos na Jehova na siya’y makikialam at “ipapahamak yaong nagpapahamak sa lupa.” (Apocalipsis 11:18) Aalisin niya mula sa lupa yaong mga nagpapahamak sa kapaligiran nito at sinisira ang kagandahan nito, sapagkat nilikha niya ito upang magtustos-ng-buhay at maging maganda. “Ang langit ang aking luklukan, at ang lupa ang aking tuntungan,” sabi niya, at: “Ang tuntungang-dako ng aking mga paa ay luluwalhatiin ko.”​—Isaias 66:1; 60:13.

Nilikha niya ito upang tirahan ng mga taong umiibig sa katuwiran​—at magiging gayon, paninirahan ng angaw-angaw na mga nabuhay noon, ng angaw-angaw na nabubuhay ngayon, at ng angaw-angaw na mga batang isisilang pa. Ito ay ipinaulat niya sa kaniyang Salita, ang Bibliya, at mababasa mo ito mismo sa Isaias 45:18 at Juan 5:28, 29.

Pagkatapos, pangangalagaan niyaong mga umiibig dito, ipapanumbalik ng lupa ang sarili nitong kagandahan na dating ipinagkaloob dito ng Maylikha. Sa panahong iyon ang mga taong mahilig sa katuwiran at ang kanilang mga anak ay magkakaroon ng isang kinabukasan, isang maluwalhating kinabukasan: “Sandali na lamang, at ang masama ay mawawala na; at iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya’y mawawala na. Ngunit ang maaamo ang siya mismong magmamay-ari ng lupa, at tunay na kanilang masusumpungan ang katangi-tanging kasiyahan sa kasaganaan ng kapayapaan. Ang matuwid ang magsisipagmana ng lupa, at sila’y maninirahan dito magpakailanman.”​—Awit 37:10, 11, 29.

At hinding-hindi na mamamatay? At hinding-hindi na mamamatay! “Ang Diyos mismo ay sasa-kanila. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng dalamhati man o ng hirap pa man. Ang mga dating bagay ay naparam na.” (Apocalipsis 21:3, 4) Mahirap paniwalaan? Hindi, ang kasalukuyang balakyot na sanlibutang ito ay napakasama upang manatili.​—Daniel 2:44.

Subalit ikaw at ang iyong mga anak ay maaaring manatili. Ginagawa itong posible ng Diyos na Jehova sa pamamagitan ng hain ng kaniyang Anak. Ang pag-alam tungkol kay Jehova at sa kaniyang Anak ay mangangahulugan ng buhay na walang-hanggan kung saan tatahan ang katuwiran. (Juan 3:16; 17:3; 2 Pedro 3:13) Ito ang maaaring maging maligayang kinabukasan mo at ng iyong mga anak. Kung baga ito nga ang magiging kinabukasan mo o hindi ay nasasa-iyo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share