Kaaliwan sa Panahon ng Kagipitan
Iyan ang kailangan ng napakarami sa atin. Isang babaing taga-Ohio ang nagbibida kung saan niya nasumpungan ang gayong kaaliwan:
“Kailangan nga na sumulat ako upang maipahayag ko ang aking pasasalamat sa mga rekording ng Kasulatan na pinakikinggan ko ngayon sa kauna-unahang pagkakataon.
“Kailanman ay walang nauupo at bumabasa sa akin ng Bibliya, gaya ng isang mapagmahal na ina. Hindi nga kataka-taka na ang mga bata ay mahilig na sila’y basahan! Anong laking kaaliwan, pampatahimik, at kasiguruhan ito sa atin ngayon na kailangang-kailangan natin ito sa mga panahong kinabubuhayan natin.
“Pakisuyong tanggapin ang aking taos-pusong pasasalamat sa paglalaan ng ganitong pantulong.”
Ang babaing ito ay kumuha ng cassette na mga rekording ng New World Translation of the Holy Scriptures, na maaari na ngayong mapidido sa kaakit-akit na kulay-kapeng vinyl na mga album. Ang album, kasama ang buong “Bagong Tipan” (18 cassettes), ay ₱450. Ang dalawang album ng “Matandang Tipan” ay maaari ring mapidido, ang una ay naroon ang Genesis hanggang Ruth sa 18 cassettes at ito’y ₱450, ang ikalawang album ay may 21 cassettes at naroon ang 1 Samuel hanggang Mga Awit at ito’y ₱500.
Pakisuyong markahan ang kaukulang mga kahon tungkol sa mga cassette album na ibig mo, at ilakip dito ang kaukulang halaga.
[ ] Ako’y naglakip ng ₱450 para sa “Bagong Tipan” na album.
[ ] Ako’y naglakip ng ₱450 para sa album ng Genesis hanggang Ruth.
[ ] Ako’y naglakip ng ₱500 para sa album ng 1 Samuel hanggang Mga Awit. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa sangay ng Watch Tower doon para sa impormasyon.)