Pahina Dos
Ang ibang mga tao, gaya ng ipinakikita ng mga larawang ito, ay may matibay na pananampalataya na gumaganyak sa kanila na regular na makibahagi sa pagsamba at gawaing Kristiyano. Sama-sama silang gumagawa upang mabilis na magtayo ng lubhang kinakailangang mga dakong pagtitipunan. Gayunman, inaamin ng iba ang pamumuhay sa isang espirituwal na kahungkagan.
Bagaman ang sumusunod na mga artikulo ay pangunahin nang may kinalaman sa Iglesya Lutherano sa Alemanya, ang mga kalagayang inilalarawan ay madaling makikilala ng marami na kumakatawan sa tunay na kalagayan ng Protestantismo sa karamihang bahagi ng daigdig. Ang layunin namin sa paglalathala ng materyal na ito ay upang tulungan ang mga tao ng lahat ng relihiyon na suriin ang kanila mismong espirituwalidad upang magkaroon ng mas makabuluhang kaugnayan sa Diyos.