Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 9/8 p. 27
  • Pandaraya at Sabotahe sa Computer

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pandaraya at Sabotahe sa Computer
  • Gumising!—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Kapaki-pakinabang na Pantulong sa Pagsasaling-Wika
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Cyberattack!
    Gumising!—2012
  • Pagpapanatili ng Timbang na Pangmalas sa Teknolohiya ng Computer
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Kailangan ba ni Junior ang Computer Ngayon?
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 9/8 p. 27

Pandaraya at Sabotahe sa Computer

PAANO nga malalaman ng mga masasamang-loob ang kodigo ng computer ng isang bangko at sa gayo’y napakadaling limasin ang $600,000 ng mga reserbang pondo nito? Ang Fraud Squad sa Scotland Yard ng Britaniya ay nahihirapang alamin ito. “Walang katibayan na may kaugnayan dito ang mga kawani,” sabi ng punung-tanggapan ng bangko. Sino, kung gayon, ang mga salarin? Ang mga magnanakaw na ilegal na ipinuprograma ang sistema sa computer ng bangko. “Ang pagkuha ay matalinong ikinubli,” ulat ng Daily Mail ng London noong Agosto 22, 1986. Nagkaroon ng tunay na kaguluhan sa bangko.

Ang pandaraya sa computer ay hindi bago sa Britaniya. Taun-taon, sampu-sampung milyong pounds ang ninanakaw sa ganitong paraan. Ni ito man ay isa lamang pambansang suliranin. Ang isang imbestigasyon ay may kaugnayan sa mga $20 milyon na nawala sa isang transaksiyon mula sa isang bangko sa New York. Sa katunayan, ang krimen sa pamamagitan ng computer ay maaaring maging ang pinakamalakas na industriya ng daigdig.

Kasinggrabe ng ilegal na ‘pagdudoktor’ ng computer, ito ay nagkaroon ng mas masamang pagbabago noong tag-araw ng 1986​—yaong sabotahe. Ang The Times ng London, Agosto 7, 1986, ay nag-ulat na ang hindi nasisiyahang mga empleado ay nagpuprograma ng bawal na mga pag-uutos na “nagagawang [umandar] sa isang partikular na panahon o kapag lumitaw ang isang set ng mga pangyayari.” Ang epekto ay maaaring maging kapaha-pahamak, na may di-makalkulang kalugihan. Sa 15 malaking mga pagsabotahe na sinuri sa Britaniya noong nakaraang taon, sangkatlo ang nagpabangkarote sa mga kompaniya. Ang mga krimeng ito ay mayroon na ngayong kaniyang pangalan​—“lohikong mga bomba.” Sa pamamagitan nito, ang mahalagang mga listahan ng mga kliyente, talaan ng mga binili at halaga ng benta, at iba pang mahalagang mga impormasyon na mahalagang-mahalaga sa pagpapatakbo ng isang modernong negosyo, ay nawawala nang tuluyan.

Higit pang nakababahala ang tinatawag na computer virus, na iniuulat na aktibo sa Estados Unidos. Dito ipinuprograma ang bawal ng mga tagubilin o instruksiyon sa computer na gumagana-sa-sarili. Kapag ang bawat set ng mga tagubilin ay ginagamit, higit pang pinsala ang nagagawa. Isip-isipin ang mga resulta ng lahat ng sumisira-sa-sarili na pagkilos na ito.

Ano, kung gayon, ang magagawa ng isang kompanya upang maiwasan ang pandaraya at sabotaheng ito? Ang sagot ay pangunahin nang nasa pakikipagkontrata sa maaasahan at mapagkakatiwalaang mga kompaniya sa pag-iinstala ng isang sistema ng computer pagkatapos ay ang pag-eempleyo ng tapat, maaasahang kawani na magpapatakbo nito. Subalit ito ay hindi laging madali. At sino ang makapagsasabi na ang isang empleado ay maaaring maging hindi nasisiyahan sa dakong huli?

Gayunman ang isa pang problema na ibinalangkas sa The Times ng London ay nauugnay sa “mapang-uyam na namamasukan-sa-sarili na mga maintenance programmer at analyst, na tinitiyak na ang sistema ng computer ay madalas na magkakaproblema upang sila’y ipatawag na nangangahulugan ng trabaho para sa kanila.” Pandaraya, sabotahe, at panloloko​—wari bang ang mga kompanya na nagsisikap na makaagapay sa modernong teknolohiya ay hindi maaaring magwagi. Ganito ang panangis ng Daily Mail: “Ang mga computer, na tinatawag na isang himalang puwersa ng ikadalawampung siglo ay mayroon ding gayon karaming potensiyal para sa ikapipinsala na gaya ng sa ikabubuti.” O dapat bang sisihin ang kawalang katapatan ng tao?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share