Pahina Dos
“Para Bang Ako’y Buháy Na Naman!”
Si Sarah ay nawalan ng interes sa lahat ng bagay habang ang isang ‘madilim na ulap’ ay pumupunô sa kaniyang isipan. “Para ba akong patay sa loob ko,” sabi niya. “Ngayon para bang ako’y buháy na naman!”
Isa siya sa angaw-angaw sa buong daigdig na nakikipagbaka sa isang walang-habag na kaaway na sumalakay sa lahat ng uri ng mga tao—bata at matanda, mayaman at mahirap, walang asawa at may asawa, mga lalaki at babae. Ito’y isang mamamatay-tao, sapagkat hanggang 70 porsiyento ng lahat ng pagpapatiwakal ay matutunton sa panlulumo. Sinisira ng kaaway na ito ang mga karera at winawasak ang mga pamilya.
Basahin kung paano nagtagumpay si Sarah at ang iba pa sa kanilang pagkikipagbaka.