Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 12/22 p. 29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Natatakot na mga Seruhano
  • Binautismuhang-muli na mga Klerigo
  • Nauulol na mga Osong Polo
  • Nagdurusa ang Kapuwa Mag-asawa
  • Mamamatay-taong Kaigtingan
  • Kaigtingan—Ang “Mabagal na Lason”
    Gumising!—1998
  • Napabilad ang Herpes at AIDS
    Gumising!—1985
  • Kung Paano Makokontrol ang Stress
    Gumising!—2010
  • Maaaring Makayanan ang Kaigtingan!
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 12/22 p. 29

Pagmamasid sa Daigdig

Natatakot na mga Seruhano

Nakakaharap ng mga seruhano ang isang nakalilitong problema may kinalaman sa pag-oopera sa mga pasyenteng sinuri na positibong mayroong AIDS. “Sa panahong ito, patakaran namin na huwag mag-opera,” sabi ni Dr. W. Dudley Johnson, isang kilalang seruhano sa puso. “Kami ay nakikitungo sa isang pamamaraan na kinasasangkutan ng maraming dugo. Nariyan ang dugo sa lahat ng dako. Mayroong tiyak na panganib mula sa mga karayom.” Parami nang paraming mga seruhano ang waring nagkakaroon ng gayunding takot. Sa isang surbey, mahigit na 90 porsiyento ng mga seruhanong tinanong ay sumasang-ayon sa gawain ni Dr. Johnson na pagtanggi sa gayong mga pasyente. “Sa katotohanan,” sabi ng magasing Newsweek, “kahit na ang panunumpa ng manggagamot o ang modernong kodigo ng etika sa medisina ay hindi humihiling sa isang doktor na gamutin ang isang pasyente kung ayaw niyang gamutin.” Inamin ni Dr. Johnson na hanggang sa ngayon wala pang doktor ang nahawa ng AIDS mula sa isang pasyente. “Nais kong panatilihing gayon,” aniya.

Binautismuhang-muli na mga Klerigo

Dalawang klerigong Protestante, ang Lutheranong si Reinhart Weber at Klaus Hoffman ng United Church, “ay binautismuhang-muli ‘sa paraan ng Bibliya’” sa Lensahn, Pederal na Republika ng Alemanya, ulat ng Ecumenical Press Service. Ang pagbabautismo sa mga sanggol, paliwanag ng nagretirong pastor na si Weber, ay “hindi naaayon sa Bibliya.” Hiniling pa nga ni Hoffman sa mga lider sa rehiyon ng Evangelical Church “na ihinto na ang bautismo sa mga bata,” sabi ng ulat. Ang reaksiyon? Siya ay sinuspende mula sa kaniyang mga katungkulan bilang pastor.

Nauulol na mga Osong Polo

Ang nakakulong na mga osong polo (polar bear) ay “nauulol,” ulat ng The Sunday Times ng London. Mahigit sa kalahati ng 15 mga osong polo na ngayo’y nakakulong sa mga zoo sa Britaniya ang apektado, sabi nito. Ang pagkulong sa gayong aktibo at mausisang hayop sa limitadong mga kalagayan sa zoo ay waring nagpapangyari ng grabeng pagkasira ng isip ng mga oso, na makikita sa kanilang walang saysay na pagpaparoo’t parito at paggiwang-giwang na pagkilos pati na, sa ilang kaso, ang pagputol nila mismo sa kanilang sariling mga bahagi ng katawan.

Nagdurusa ang Kapuwa Mag-asawa

Ang mga lalaking may problema sa pag-aasawa ay mas madaling tablan ng sakit kaysa roon sa maligayang nagsasama bilang mag-asawa, sabi ng mga mananaliksik na sina Janice Kiecolt-Glaser at ng kaniyang asawa, si Ronald Glaser, ng Ohio State University. Bagaman ang dating mga pag-aaral ay nagpapakita na ito ay totoo rin sa hindi maligayang mga babaing may-asawa, kamakailan lamang ang lawak kung saan ang sistema sa imyunidad ng lalaki ay pinanghihina ng kaigtingan dahil sa pag-aasawa ay hindi alam. Gayunman, ipinakikita ng mga pagsusuri sa dugo sa mga lalaking may maligalig na pag-aasawa na hindi nila kayang salangin ang dalawang pinakakaraniwang herpes virus na impeksiyon. Karagdagan pa, ipinahihiwatig ng isang pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik na si Christopher Coe, ng University of Wisconsin na ang “emosyonal na mga impluwensiya sa pisikal na kalusugan ay maaaring magpatuloy sa loob ng mahabang panahon pagkatapos na malutas ang emosyonal na problema,” ulat ng New York Post.

Mamamatay-taong Kaigtingan

Noong 1987 sa Hapón, ang mga biglang kamatayan ng pangunahing mga negosyante na nasa edad 40’s, 50’s, at 60’s ay dumami nang tatlong ulit kaysa gayunding yugto noong nakaraang taon. Ang kanilang mga kamatayan ay sinasabing dahil sa “hindi mawaring kaigtingan” na kasama ng katungkulan ng pangunahing mga manedyer sa ngayon, sabi ng pahayagang Mainichi Shimbun ng Tokyo. Bagaman sinasabing ang lahat ay may matibay na pagtitiwala sa kanilang kalusugan, ang malupit na mga kalagayan sa negosyo na nagpalala sa implasyon ay nakaragdag pa sa kanilang maigting na buhay. Upang sawatain ang hilig na ito, ang Federation of Employers Association ng Hapón ay naglabas ng walong tuntunin upang hadlangan ang kaigtingan. Kabilang sa mga tuntunin ay: Iwasan ang mahigpit na mga iskedyul, mag-ehersisyo ng mahigit sa 30 minuto araw-araw, at tumawa.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share