Pahina Dos
“Mag-ingat Ka sa Pagmamaneho!”
Anong dalas na ito ay sinasabi sa umaalis na mga membro ng pamilya o mga panauhin! Isa itong mainam na paalaala. Ang pagmamaneho ay maaaring maging mapanganib. Maraming salik na nasasangkot upang makarating sa iyong patutunguhan nang ligtas. Sa bawat taon angaw-angaw na mga tao ang hindi nakararating nang ligtas sa kanilang patutunguhan.
Mayroon bang magagawa upang mapabuti ang ligtas na pagmamaneho? Sinusuri ng kabalitaan ng Gumising! sa Britaniya ang kalagayan sa ilang mga bansa at nagbibigay ng mahusay na payo upang tulungan ang mga nagpapatakbo ng mga sasakyan na magmaneho upang iligtas ang kanila mismong mga buhay at ang mga buhay ng iba.