Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 3/8 p. 18-19
  • Ang Iyo Bang Relihiyon ay Mabuti Naman sa Diyos?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Iyo Bang Relihiyon ay Mabuti Naman sa Diyos?
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Maraming “mga Diyos” at Maraming “mga Panginoon”?
  • “Iisang Diyos ang Ama”
  • Tinitiyak ng Bunga ang Tunay na Relihiyon
  • Salita Laban sa Gawa
  • Nasumpungan Nila ang Kasagutan
  • Bakit Pa Magiging Interesado sa Ibang Relihiyon?
    Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos
  • Talagang Mahalaga Kung Ano ang Relihiyon Ninyo
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Relihiyon
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 3/8 p. 18-19

Ang Pangmalas ng Bibliya

Ang Iyo Bang Relihiyon ay Mabuti Naman sa Diyos?

“DITO ang lahat ay maliligtas sa kaniyang sariling paraan,” paghahambog ni Frederick na Dakila ng Prussia tungkol sa relihiyosong pagpapahintulot sa kaniyang bansa. Ngayon, pagkaraan ng dalawang siglo, sinisipi ng mga Aleman ang kaniyang mga salita na para bang ito’y Banal na Kasulatan, upang patunayan na ang lahat ng relihiyon ay iba-ibang daan lamang ng paglapit sa iisang Diyos.

‘Tutal,’ sabi nila, ‘mayroon lamang iisang Diyos, hindi ba?’ Ngunit kung gayon nga, bakit ba ang sarisaring mga paraang ito na patungkol sa iisang Diyos ay nagtuturo ng gayong magkakasalungat na mga bagay tungkol sa kaniya? Paano ito nakakasuwato ng kaniyang pagiging “isang Diyos, hindi ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan”?​—1 Corinto 14:33.

Maraming “mga Diyos” at Maraming “mga Panginoon”?

Totoo, sinabi ng Kristiyanong apostol na si Pablo: “Nalalaman natin na . . . walang Diyos liban sa iisa.” Subalit pansinin ang kaniyang paliwanag: “Bagaman may tinatawag na ‘mga diyos,’ maging sa langit o maging sa lupa, kung paanong maraming ‘mga diyos’ at maraming ‘mga panginoon,’ sa ganang atin naman ay may iisa lamang Diyos ang Ama.” (1 Corinto 8:4-6) Maliwanag, ang katuwiran ni Pablo ay na sinasamba ng ibang mga tao ang hindi umiiral na mga diyos. Subalit kinikilala ng mga Kristiyano ang isa lamang na karapat-dapat sambahin, ang isa “na ang pangalan ay Jehova.”​—Awit 83:18.

“Iisang Diyos ang Ama”

Ang isang amang tao na interesado sa kapakanan ng kaniyang mga anak at nagnanais na pangalagaan sila mula sa panganib ay nagtatakda ng mga tuntunin at mga simulain upang kanilang sundin. Samantalang maibiging isinasaalang-alang ang kanilang indibiduwal na mga pangangailangan at mga limitasyon, gayumpaman ay hihilingin niya sa kanilang lahat na sundin ang iisang set ng mga pamantayan.

Bagaman tinitingnan ang bawat isa bilang isang naiibang indibiduwal, hinihiling ng makalangit na Ama ng sangkatauhan ang lahat niyang nilalang na sumunod sa iisang kautusan at mamuhay na kasuwato ng iisang simulain. Ang mga simulaing ito ay hindi pabagu-bago sa bawat tao o sa bansa at bansa. Kaya, kung isang kasalanan para sa isang Katoliko na magpalaglag, hindi ba gayundin para sa isang membro ng isang malayang relihiyong Protestante? O kung isang kasalanan para sa isang pundamentalistang Amerikano na uminom ng alak, hindi ba gayundin para sa Europeong Katoliko na umiinom ng serbesa o alak kapag kumakain?

Tinitiyak ng Bunga ang Tunay na Relihiyon

Pagkatapos na ang sampung-tribo ng hilagang kaharian ng Israel ay bumagsak sa Asiria noong ikawalong siglo B.C.E., ang mga tao mula sa iba pang bahagi ng kaharian ng Asiria ay nailipat sa Samaria. Ang mga bagong maninirahang ito ay patuloy na “nagsigawa ayon sa kanilang dating mga relihiyon.” Subalit ang mga relihiyon bang ito ay iba’t ibang mga paraan ng paglapit sa tunay na Diyos na si Jehova? Hindi, sapagkat maliwanag na binabanggit ng teksto: “Sila’y hindi natatakot kay Jehova o nagsisigawa man ng ayon sa kaniyang mga batas o ayon sa kaniyang mga kahatulan.”​—2 Hari 17:34.

Makatuwiran nga, ang mga relihiyon na nagwawalang-bahala sa mga kautusan ng Diyos ay hindi makalulugod sa Diyos. Kasali rito ang simulain na ipinahayag ni Jesus: “Sa ganito’y makikilala ng lahat na kayo’y aking mga alagad, kung kayo’y may pag-ibig sa isa’t isa.” Papaano nga maaaring katawanin ng isang relihiyon ang “Diyos [na siya] ay pag-ibig” kung ang mga membro nito ay wala ng pagkakakilanlang bungang ito ng tunay na relihiyon?​—Juan 13:35; 1 Juan 4:8.

Ang isang relihiyon na talagang kumakatawan sa isang tunay na Diyos ay dapat gumawa ng mga taong gaya niya: maibigin, masaya, mapayapa, mapagpahinuhod, mabait, mabuti, mahinahon, at may pagpipigil-sa-sarili. (Galacia 5:22, 23) Dapat itong gumawa ng mga taong may matibay na pananampalataya na matatag na naninindigan sa kaniyang mga pamantayan ng paggawi at moralidad. “Sa kanilang mga bunga ay inyong makikilala sila,” sabi ni Jesus, ginagamit na halimbawa ang isang punungkahoy. ‘Yaon lamang gumagawa ng kalooban ng Diyos ang makakapasok sa kaharian ng mga langit.’ Kung ang isang relihiyon ay gumagawa ng mga taong nagbubunga ng masamang bunga, ano ang nagrirekomenda rito na mabuti?​—Mateo 7:16-23.

Tanungin mo ang iyong sarili: Karamihan ng mga relihiyon ay nagtuturo na masamang pumatay, ngunit ano ang ginagawa ng kanilang mga membro sa panahon ng digmaan? Karamihan ay nagtuturo na ang pag-aasawa ay isang banal na institusyon, subalit anong rekord mayroon ang kanilang mga membro kung tungkol sa diborsiyo at pagsisiping bago ang kasal at pangangalunya?

Salita Laban sa Gawa

Noong 1982 isang propesor ng physics sa isang unibersidad sa Silangang Europa ay nagsabi nang siya’y maging isa sa mga Saksi ni Jehova: “Natuklasan ko na mayroon lamang isang relihiyosong organisasyon sa lupa ang may kakayahang ipaliwanag ang mga hangganan ng may pasubaling kalayaan. Ang partikular na nakakumbinsi sa akin sa panahon ng pag-aaral ko sa mga Saksi ni Jehova ay ang bagay na ang organisasyong ito ay may lakas na hilingin sa mga membro nito na sila’y manatili sa loob ng mga hangganang ito.”

Masasabi ba ng ibang relihiyon ang gayon? Halimbawa, sa kaniyang mensahe noong Pasko ng 1986, si Papa John Paul II ay nanawagan na wakasan na ang pagkakapootan, sinasabi na “ang pag-ibig lamang ang maaaring magbago sa ating planeta.” Subalit gaano ba katagumpay ang Iglesya Katolika sa pagsasagawa nito sa loob mismo ng mga may matataas na tungkulin? At kung ang lahat ng mga relihiyon ay iba’t ibang daan lamang na patungo sa “Diyos ng kapayapaan,” bakit nga napakakaunting kapayapaan lamang ang masusumpungan sa gitna ng mga membro nito?​—Filipos 4:9.

Nasumpungan Nila ang Kasagutan

Si Kurt ay nasiraan ng loob sa kaniyang relihiyon sapagkat “pinalalampas nito ang lahat halos ng bagay at kinaliligtaan ang pag-aaral ng Salita ng Diyos.” Si Dieter ay nabigla na matuklasan na ang kaniyang pastor ay hindi pa nga naniniwala sa Bibliya. Inaakala ni Günter na ang “paglilingkod sa Diyos ay dapat na kasangkutan ng higit pa kaysa pakikinig lamang sa mga sermon at pag-awit ng mga himno.” Silang tatlo ngayon ay nakasumpong ng kasiyahan sa pakikibahagi sa malawakang programa ng pagsasanay sa Bibliya na isinasagawa ng mga Saksi ni Jehova.

Huwag mong hayaan na iligaw ka ng makasanlibutang pag-iisip na maniwala na ‘ang lahat ay maliligtas sa kaniyang sariling paraan.’ Ang pag-aaral ng Bibliya ay tutulong sa iyo na matutuhan mo ang higit tungkol kay Jehova, ang tanging tunay na Diyos, at kay Jesu-Kristo, ang kaniyang Anak. Aakayin ka rin nito sa isang tunay na relihiyon na karapat-dapat na kumakatawan sa Kaniya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share