Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 9/8 p. 5-6
  • Kung Ano ang Kailangan ng mga Anak sa mga Magulang

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Ano ang Kailangan ng mga Anak sa mga Magulang
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Panahon, Pag-ibig, at Pagmamalasakit
  • Katulad ng Halaman
  • Ang Papel ng mga Magulang
    Ang mga Saksi ni Jehova at ang Edukasyon
  • Mga Magulang—Sanayin ang Inyong mga Anak sa Maibiging Paraan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Mga Magulang, Kailangan ng Inyong mga Anak ang Pantanging Pag-aasikaso
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Mga Magulang—Tulungan ang Inyong mga Anak na Mahalin si Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 9/8 p. 5-6

Kung Ano ang Kailangan ng mga Anak sa mga Magulang

ANG tagumpay ng edukasyon ng isang bata ay hindi dapat sukatin sa pamamagitan lamang ng mga markang tinatanggap niya. Mas mahalaga ang mga pagpapahalaga na kaniyang nililinang, ang kaniyang mga pamantayang moral, ang kaniyang paggawi, at ang kaniyang pag-iisip. Subalit sino ang may pananagutan sa pag-unlad ng bata sa mga larangang ito?

“Ang mga magulang ang may pananagutan,” sagot ng isang matagal nang tagapayo sa paaralan. “Ang pangunahing layunin ng pormal na edukasyon ay alalayan ang mga magulang sa paggawa ng responsableng mga kabataan na mahusay sa intelektuwal, pisikal, at emosyonal na paraan.”

Kadalasang nababatid ng gayong mga tagapayo sa paaralan kung ano ang gumagana at kung ano ang hindi gumagana pagdating sa pagkakaroon ng mahusay-makibagay na mga kabataan. Si Roddy Cameron, isa ring tagapayo sa paaralan, ay nakitungo sa daan-daang kaso sa loob ng maraming taon. Siya at tinanong ng Gumising!: “Ano po ba ang talagang kailangang-kailangan ng mga bata upang magtagumpay?”

Pagkatapos mag-isip sumandali, siya ay sumagot: “Ipakita mo sa akin ang isang problemadong bata, at malamang na maipakikita ko sa iyo ang problemadong mga magulang.” Sa paggunita sa kaniyang mga karanasan sa pakikipag-usap sa gayong mga magulang, sabi niya: “Kapag sinisikap nilang ipaliwanag sa akin kung bakit sila subsob sa trabaho at laging wala sa bahay, halos sa tuwina’y sinasabi nila na nais nilang ibigay sa kanilang mga anak kung ano ang hindi nila natamo noong sila’y bata.”

Gayunman, ang materyal na mga pakinabang ba na hindi natamo ng maraming magulang noong kanilang kabataan ang talagang kailangan ng mga bata? Mahalaga ba ang mamahaling mga kotse, magandang mga damit, at eksotikong mga bakasyon upang maging matagumpay, mahusay-makibagay na mga estudyante? “Anong masama sa isang yapos, isang halik, sa pag-ibig, sa atensiyon?” panretorikong tanong ni Camero. “Ang mga ito ay hindi nabibili, subalit ito ang mga bagay na kailangang-kailangan ng mga bata.”

Panahon, Pag-ibig, at Pagmamalasakit

Ang magiliw at mapagmahal na pagmamalasakit ang mahalagang pangangailangan ng mga bata. At ang pinakamabisang paraan na ito ay maibibigay ng mga magulang ay sa pamamagitan ng walang pag-iimbot na pagbibigay ng kanilang sarili, pagbibigay ng kanilang panahon, at hindi nahihiyang ipakita ang tunay, hindi pinipigil na pag-ibig at matinding pagmamalasakit. Sinabi ng isang manunulat na ang pinakamagaling na regalo na maibibigay ng isang tao ay ang kaniyang “pagkanaroroon.”

Sa brosyur nito na Plain Talk About Raising Children, iniulat ng U.S. National Institute of Mental Health ang mga resulta ng isang surbey ng matagumpay na mga magulang. Sila ay nakilala bilang yaong ang mga anak, mahigit na 21 anyos, “na pawang mabungang mga adulto na maliwanag na nakikibagay nang mahusay sa ating lipunan.” Ang mga magulang ng mahusay-makibagay na mga adultong ito ay tinanong: ‘Batay sa inyong personal na karanasan, ano ang pinakamabuting payo na maibibigay ninyo sa ibang mga magulang?’ Ang pinakamadalas na tugon ay: ‘Magpakita ng saganang pag-ibig,’ ‘bigyan sila ng nakatutulong na disiplina,’ ‘gumugol ng panahon na magkasama,’ ‘ituro sa inyong mga anak ang kaibhan ng tama sa mali,’ ‘magkaroon ng paggalang sa isa’t isa,’ ‘talagang makinig sa kanila,’ ‘magbigay ng patnubay sa halip ng isang pahayag,’ at ‘maging makatotohanan.’

Iyan ba ay tila pangkaraniwan, makaluma? Gayunman, makabubuting itanong ng mga magulang: ‘Kung ang isang bagay ay gumaganang mahusay, bakit mo tatalikdan ito para sa isang bagay na kakaiba, sa isang bagay na hindi gumagana?’ Oo, ang panahon, pag-ibig, at pagmamalasakit ang bumubuo ng pandikit na nagbubuklod sa mga pamilya. Araling-bahay ng mga magulang na ilaan ang mahalagang mga pangangailangang ito sa kanilang mga anak. Ang paggawa nila ng kanilang araling-bahay ay tutulong sa kanilang mga anak na maging matagumpay na mga estudyante at sa dakong huli ay matagumpay na mga adulto. Walang mga shortcut, walang kahalili, gaya ng pagbibigay ng materyal na mga bagay, inaakala na ang mga ito ay mahalaga.

Katulad ng Halaman

Sa maraming paraan, ang paglaki at pag-unlad ng mga bata ay katulad ng halaman. Nalalaman ng matagumpay na magsasaka kung ano ang kailangan upang umani ng isang mabuting ani​—mataba, nilinang na lupa; mainit na sikat ng araw; tubig; pag-aalis ng damo at pangangalaga. Kadalasan nang may mahihirap na panahon at sama ng loob sa pagtatanim hanggang sa pag-aani. Subalit gayon na lamang ang pagmamalaki ng matagumpay na mga magsasaka pagka nakita nila ang kanilang pinagpagurang mga gantimpala!

Tiyak, ang buhay ng tao ay mas mahalaga kaysa ani ng isang magsasaka! Kung gayon, dapat bang asahan na ang ninanais na bunga ay makakamit sa pamamagitan ng kaunting pagsisikap? Hindi sang-ayon sa mga magulang na sinurbey ng National Institute of Mental Health, hindi rin sang-ayon sa maraming magulang at mga estudyante na kinapanayam ng Gumising! sa nakalipas na dalawang taon.

Nalalaman ng matagumpay na magulang na ang pagpapalaki ng isang bata ay nangangailangan ng pangako. Ang kapaligiran sa tahanan ay dapat na maging tama, may saganang sigla at unawa. Magiliw at walang lubay, kailangang linangin ng mga magulang sa kanilang mga anak ang pagpapahalaga sa pag-aaral at pamumuhay. Kailangang matiyaga silang makibagay, magmasid, at matulunging makibahagi sa mahihirap na panahon at sa mga sama ng loob na sumisira sa landas ng buhay ng bawat isa. Kung gagawin ng mga magulang ang mga bagay na ito, malaki ang tsansa na sila ay aani ng isang matagumpay na adulto.

[Blurb sa pahina 6]

‘Ipakita mo sa akin ang isang problemadong bata, at malamang na maipakikita ko sa iyo ang problemadong mga magulang’

[Blurb sa pahina 6]

Ang panahon, pag-ibig, at pagmamalasakit ang bumubuo ng pandikit na nagbubuklod sa mga pamilya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share