‘Parang Tinapay at Tubig sa Puso’
Ganiyan ang mga magasing Bantayan at Gumising! sa isang ministrong Protestante mula sa Málaga, Espanya. Sabi niya:
“Ako’y naging isang Protestanteng pastor sa loob ng ilang taon, at matitiyak ko sa inyo na sa lahat ng mga pag-aaral ko sa teolohiya, hindi ko nasumpungan ang payak at simpleng paliwanag na taglay ng inyong mga publikasyon. Para sa akin, ang mga Saksi ni Jehova ay kahangahangang mga tao; sa isang mapagpaimbabaw na daigdig, sila ay namumuhay ayon sa kanilang paniniwala. . . .
“Sa ngayon, dahil sa personal na mga problema, hindi ako maaaring makipag-aral sa inyo, gaya ng ibig ninyo, subalit salamat sa Diyos, natatanggap ko ang inyong mga magasin, at ito ay ‘tinapay’ at ‘tubig’ sa puso ko, na nagugutom at nauuhaw sa buháy na Diyos.”
Ikaw man ay maaaring magkaroon ng Bantayan at ang kasama nitong magasin, na Gumising! na ihahatid sa iyong tahanan sa pamamagitan ng pagsagot at paghulog mo sa koreo ng kalakip na kupon.
Pakisuyong padalhan ako ng isang taóng suskripsiyon para sa Bantayan at Gumising! Ako’y naglakip ng ₱120.