Pahina Dos
Sa bawat oras daan-daan ang nagdidiborsiyo sa buong daigdig. Sa bawat taon angaw-angaw na mga bata ang nasasangkot sa isang napakahirap na pagpili kung aling magulang ang kanilang sasamahan. Sa ilang dako kasindami ng 1 sa bawat 5 nagdidiborsiyong mag-asawa ang ipinakikipaglaban ito sa hukuman.
Ang mga labanan kung sino ang mangangalaga sa bata ay humantong sa mga kuwento ng pagpatay at karahasan na napaulat sa unang-pahina ng mga pahayagan. Ano ang gumagawa sa mga kasong ito na lubhang mainit? Paano pinakamabuting matutulungan ng kapuwa mga magulang ang isang bata? Ang mga hukuman ba ay laging makatarungan sa kanilang mga disisyon? Isang masamang hilig kamakailan sa buong daigdig tungkol sa mga pasiya kung kanino mapupunta ang bata ay nakabahala sa maraming may kabatirang mga umiibig sa kalayaang sibil.