Pahina Dos
Talaga bang Lalong Umiinit ang Lupa?
Ang 1980’s ay maaaring tandaan bilang ang dekada nang ang lupa ay nagsimulang “matunaw.”
◼ Ang unang kalahati ng 1988 ay nag-ulat ng limang pinakamainit na buwan sa kasaysayan ng rekord ng lagay ng panahon. At nang maitala ang lahat ng report, ang 1988 ang nagwagi. Ito ang pinakamainit na taon sa loob halos ng isang daang taon, sang-ayon sa British Meteorological Office.
◼ Kaya, hinalinhan ng 1988 ang dating may hawak ng rekord, ang 1987!
◼ Nagkataon lamang? Marahil. Ang mga taóng 1981 at 1983 ay patas para sa ikatlong dako sa tsart ng talaan ng temperatura.
◼ Ang ikalima at ikaanim na pinakamainit? Ang mga taóng 1980 at 1986.