Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 11/8 p. 32
  • Pakikitungo sa Damdamin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pakikitungo sa Damdamin
  • Gumising!—1989
Gumising!—1989
g89 11/8 p. 32

Pakikitungo sa Damdamin

Ang tagumpay sa pakikitungo sa ating mga damdamin ay isang tunay na hamon. Isang kabataang babae ang naglalahad ng kaniyang karanasan: “Ako’y maligaya, subalit walang anu-ano ako ay lubhang nanlulumo. Kung minsan ay ni hindi ko alam kung ano ang aking nadarama. Para ba akong ganap na nawala sa dilim. Hindi ko maipahayag ang sarili ko at ang aking nadarama kaninuman ako makipag-usap, kahit na nga sa aking sarili. Para bang hindi ko nakukuha ang pansin ng mga taong nakapalibot sa akin, lalo na ng aking mga kamag-aral, sapagkat hindi naman ako maganda. Sa wakas ang lahat ng mga damdaming ito ay pumapatay sa akin sa loob ko, at kinapootan ko ang aking sarili at ang aking pagkatao.”

Ang babaing ito ay kumuha ng sipi ng aklat na Ang Iyong Kabataan​—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. “Ito ay pawang kawili-wili,” sulat niya, “kaya’t ibig kong basahin ang susunod na kabanata, na ‘Ang Pagdadalaga.’ Hindi ko mapaniwalaan ang aking binabasa. Inilalarawan mismo ng kabanata ang talagang nadarama ko kamakailan, at ibinibigay nito ang kasagutan. Totoong nakapagpapatibay-loob na mabasa na normal lamang na makadama ng ganito. Kailangan lamang na malaman ko ang tamang paraan ng pakikitungo rito.”

Bukod sa pagtulong sa mga kabataan na makitungo sa kanilang mga damdamin, tinatalakay ng aklat na ito ang mga bagay na gaya ng pag-abuso sa droga, at sinasagot nito ang mga katanungan na, Ang mga kabataan ba ay dapat uminom ng mga inuming nakalalasing? at, Dapat ba silang makaranas ng seksuwal na pakikipagtalik bago mag-asawa? Tatanggap ka ng isang kopya nito sa halagang ₱14 lamang kung susulatan at ihuhulog mo sa koreo ang kupon.

Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng pinabalatang, 192-pahinang aklat na Ang Iyong Kabataan​—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. Ako’y naglakip ng ₱14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share