Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 12/22 p. 29
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • DINAIG ANG PAG-UUSIG
  • INTERNASYONAL NA MGA MANDURUKOT
  • KARAPATANG MALAMAN?
  • PINAGAGAANG ANG MGA DAGOK
  • Kung Bakit Lubhang Lumaganap ang AIDS?
    Gumising!—1988
  • Pagtulong sa mga May AIDS
    Gumising!—1994
  • Sino ang Nasa Panganib?
    Gumising!—1986
  • Mga Tagapagdala ng AIDS—Ilan ang Maaaring Mamatay?
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 12/22 p. 29

Pagmamasid sa Daigdig

DINAIG ANG PAG-UUSIG

Bagaman ibinunyag ng Ang Bantayan ng Agosto 15, 1989 ang pag-uusig sa mga Saksi ni Jehova sa Burundi, ang mga pag-atake at pagmamalupit ay nagpatuloy nang walang-humpay. Gayumpaman, ang pinakabagong mga ulat mula sa Burundi ay nagpapakita ng isang pagsulong ng 8.9 porsiyento sa bilang ng mga aktibong Saksi sa isang sirkito ng mga kongregasyon. Sa isa pang sirkito, kung saan ang pag-uusig ay pinakamarahas, nagkaroon ng 4.2-porsiyentong pagsulong. Ang mga Saksing ito ay gumugugol ng katamtaman na 17 hanggang 18 oras bawat buwan sa kanilang pangmadlang gawaing pangangaral. Ang kanilang mga kapananampalataya sa buong daigdig ay patuloy na sumusulat sa pamahalaan ng Burundi upang tutulan ang pagmamaltrato sa mga Saksi.

INTERNASYONAL NA MGA MANDURUKOT

Kapag dumarating ang tag-araw sa London, kasabay na dumarating ang mga mandurukot. Mga apat na dosena sa kanila, kilala sa buong mundo bilang pinakamahuhusay sa propesyong iyon, ang dumarating sa lunsod sa pamamagitan ng himpapawid at nagnanakaw ng tinatayang £10 milyon sa salapi at mga paninda sa loob lamang ng wala pang dalawang buwan, ulat ng The Sunday Times. Tinatawag na Los Chileanos, mula sa Chile, na bansang kanilang pinanggalingan, una silang naglalakbay patungong Madrid, Espanya, o Milan, Italya, kung saan nagnanakaw sila ng mga pasaporte upang makagawa ng ilegal na pagpasok sa Inglatiyera. Pangunahing mga target ang mga department stores sa Oxford Street, mga underground na istasyon ng tren, at ang mga bulwagan ng mga otel sa West End. Nakikihalubilo rin sila sa mga karamihan sa mga pagtitipong panlipunan at sa mga turista sa mga bantog na mga atraksiyon gaya ng Tower of London at Westminster Abbey. Dahilan sa sila’y napakahuhusay at tuso at madali nilang lituhin ang kanilang biktima, hindi ipinapayo ng mga pulis ang pagdadala ng maraming salapi sa siksikang mga lugar. “Ang simpleng tuntunin ay ito,” sabi ng isang opisyal, “laging ingatan ang isang tuwirang pagmatyag sa pagitan mo at ng iyong mga mahahalagang pag-aari.”

KARAPATANG MALAMAN?

Namatay ang emperador ng Hapón “nang hindi nalalaman kung ano ang kaniyang sakit ni nagtanong man lamang tungkol dito,” sabi ng The Daily Yomiuri. Siya’y namatay sa sakit na kanser, gaya ng kaniyang nakababatang kapatid na lalaki 11 buwan na mas maaga, nang hindi niya nalalaman iyon. Bagaman isang lumalaking bilang ng mga Hapones ang nagsasabing ibig nilang malaman kung sila’y mayroong kanser, dalawang-katlo ang nagsasabi na hindi nila ito ipaáalám sa isang kamag-anak na may gayong sakit. Ang kaisipang ito ay ipinamalas ng Hapones na mass media na, bagaman alam na may kanser ang emperador malaon na bago pa siya namatay, sa kabuuan ay umiwas ito sa paksang iyon. Isang pangunahing pahayagan na bumanggit ng sakit ng emperador ang ginipit ng mabilis at malakas na pagtutol ng madla na kaya’t nagkait ng anumang karagdagang komento habang ang emperador ay nabubuhay pa.

PINAGAGAANG ANG MGA DAGOK

Nang ang Bagyong Hugo ay dumaluhong sa baybayin ng Hilagang Amerika noong Setyembre 21 at 22 nang taóng ito, ang 220-kilometro-bawat-oras na mga hangin nito ang dumurog sa mga gusali at inihagis niyaon ang mga bangka na animo’y mga laruan lamang. Ang mga Saksi ni Jehova mula sa kalapit na mga lugar ay mabilis na kumilos upang maghatid ng tulong sa kanilang mga kapatid sa Charleston, South Carolina, kung saan pinakamalakas ang bagyo. Nang umaga ng ika-23, nagtatrabaho na ang 125 mga boluntaryo, nilinis ang mga dumi at ang mga natumbang mga punò kapuwa mula sa mga tahanan ng mga Saksi at mula sa mga Kingdom Hall. Ang mga suplay ng tubig, generator, at gasolina ay dinala roon. Kinabukasan, 14 na mga trak ang dumating sa Charleston at nilagyan ng pagkain, dry ice, tubig, at iba pang mga suplay para sa lokal na mga Saksi ang limang Kingdom Hall roon. Sa loob lamang ng ilang araw, isang pangkat ng mga Saksi ang nagbigay ng $10,000 upang tustusan ang mga biglaang pangangailangang ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share