Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 2/22 p. 3-4
  • Ang Matanda Nang Alitan ng Magbiyenan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Matanda Nang Alitan ng Magbiyenan
  • Gumising!—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ba ang Gusto ng Matatanda Na?
  • Pagtanggap sa mga Bentaha at Disbentaha
  • Pangangalaga sa mga May Edad—Isang Lumalagong Problema
    Gumising!—1991
  • Paano Ko Makakasundo ang mga Magulang Ko?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Ang Pamilyang Kristiyano ay Tumutulong sa mga May Edad
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Pagtatamasa ng Isang Mainit na Ugnayan ng Magbiyenan
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 2/22 p. 3-4

Ang Matanda Nang Alitan ng Magbiyenan

“HINDI ko kayang sikmurain ang iyong pagmumukha!” sigaw ni Fujiko sa kaniyang biyenang-babae, si Tomiko. Sawâ na si Fujiko na siya’y inuutus-utusan. Bagaman nagagawa niyang manatiling kalmado sa labas, siya’y nagdadalamhati. “Sa aking kalooban ay nakadama ako ng kapaitan,” sabi niya. “Hindi ako gaya ng aking dating sarili. Talagang hindi ko matiis na mamuhay nang gayon sa araw-araw.”

Isang matandang babae na namumuhay nang mag-isa sa Hapón ang nagsasabi: “Ako’y pinabayaan ng aking anak na lalaki at ng kaniyang asawa. Ngayon hindi ko na kailangang intindihin ang ibang tao, at namumuhay ako sa paraang ibig ko, ngunit nalulungkot rin ako kapag lumulubog ang araw.”

Ang matandâ nang alitan sa pagitan ng biyenang-babae at ng manugang-na-babae ay pansansinukob. “Nakalulungkot sabihin,” wika ni Dulcie Boling, patnugot ng isang magasin sa Australia, “laging pinagseselosan ng ilang mga babae ang kanilang mga manugang-na-babae. . . . Kakaunti lamang ang iyong magagawa, maliban sa ngumisi at tiisin ito.” Sa Silangan, may mga alamat pa nga tungkol sa matatandang babaing iniwan sa kabundukan, isang aksiyong kagagawan ng kanilang mga manugang-na-babae.

Sa ngayon, ang alitang ito ay mas masalimuot higit kailanman. Sang-ayon sa mga estadistika, ang habâ ng buhay ay sumusulong, lumiliit ang mga pamilya, at ang agwat sa pagitan ng mga lalaki’t babaing namamatay ay lumalaki. Ano ang naging resulta? Habang dumarami ang mga babaing umaabot sa kanilang mga ika-70 at 80, ang alitan sa pagitan ng mga ina at ng kanilang mga manugang-na-babae ay naging isang nakaháhapong maraton, hindi na ang 100 metrong takbuhang gaya nang dati.

Ano ba ang Gusto ng Matatanda Na?

Sa kabila ng gayong mga alitan, paano ba gusto ng matatandâ nang mga magulang na sila’y alagaan kung sila ang masusunod? “Sa loob ng huling dalawampung taon,” sabi nina Jacob S. Siegel at Cynthia M. Taeuber, mga mananaliksik sa demograpiya, “ayaw ng kapuwa mga babae’t lalaki na makipisan sa ibang tao kapag wala na silang asawa.” Isinusog pa ni Elaine M. Brody, dating direktor ng Department of Human Services, na sa Estados Unidos, “ang pamumuhay ng hiwalay sa kanilang mga kamag-anak ang kaayusang mas gusto ng matatanda na.” Kadalasan, ang kanilang mga anak ay nakatira sa di-kalayuan, dumadalaw, at nag-aalaga sa kanila.

Iba naman ang gusto ng mga taga-Silangan. Sang-ayon sa isang internasyonal na surbey ng Management and Coordination Agency sa Hapón, ibig ng karamihan sa matatanda na sa Hapón at Thailand na makipisan sa kanilang mga kamag-anak. Nasumpungan ng surbey na 61 porsiyento ng matatanda na sa Thailand at 51 porsiyento sa Hapón ang aktuwal na kapisan ng mga kamag-anak.

Sabihin pa, ang ganitong pagpili ay karaniwan din sa Kanluran. Ang matandáng-matandâ o maysakit na mga magulang ay kadalasang kapisan ng kanilang mga anak. Sa Pransiya karaniwan na sa mga biyudo o biyudang lampas na ng 75 anyos na makipisan sa isa sa kanilang mga anak.

Pagtanggap sa mga Bentaha at Disbentaha

Kapag ang dalawa o tatlong salinlahi’y magpasiyang magpisan sa ilalim ng isang bubong, sabihin pa, may tiyak na mga bentaha. Ang matatanda na ay nakadaramang higit na tiwasay at di-gaanong malungkot. Ang nakababatang salinlahi’y maaaring matuto mula sa karanasan ng mas nakatatanda, at mayroon din namang mga pakinabang sa kabuhayan.

Sa kabilang dako, maaaring palubhain ng pagpipisan ang dati nang magulong relasyong magbiyenan. Bilang halimbawa, sa Hapón, kung saan isa nang tradisyon na ang matatanda nang mga magulang ay nakikipisan sa pinakamatandang anak na lalaki at sa kaniyang pamilya, ang alitan sa pagitan ng mga ina at ng mga manugang-na-babae ay kilalang-kilala.

Kung ika’y napapaharap sa gayong kalagayan, ano ang maaari mong gawin? Sa kaniyang aklat na America’s Older Population, si Paul E. Zopf, Jr., propesor ng sosyolohiya sa Guilford College, ay nagsasabi: “Ang pamilya’y lumilikha rin ng alitan at ng pagkakataon upang ayusin ang mga alitan. Ang kakayahang supilin ang mga alitan at magtulungan sa paggawa kasama ng matatanda nang mga membro ay maaaring isang kakayahang magagamit sa iba pang mga ugnayan.”

Kaya magkaroon ng isang positibong pangmalas sa bagay na ito. Kung matututuhan mong supilin ang mga alitan sa pamilya, marahil higit ka pa ngang magiging mahusay sa paglutas ng iba pang matinik na mga kalagayan. Tanggapin ito bilang isang hamon, at magiging mas mahusay kang tao dahil dito. Ating suriin ang mga suliraning bunga ng pakikipisan sa mga biyenan at tingnan kung paano matagumpay na pakikitunguhan ang gayong mga suliranin. At kahit na sa kasalukuya’y hindi ka namumuhay sa ilalim ng gayong kaayusan, makikinabang ka pa rin sa pagsasaalang-alang sa mga simulaing kasangkot.

[Kahon sa pahina 4]

Mas Maraming Mga Magulang Kaysa Mga Anak

Sa ngayon, sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan, sang-ayon sa demographer na si Samuel Preston, ang katamtamang mag-asawa ay mas maraming mga magulang kaysa mga anak. Ang usaping nakakaharap ng maraming mag-asawa sa ngayon ay kung paano titimbangin ang kanilang mga pananagutang pangalagaan ang dalawang pares ng mga magulang.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share