Pahina Dos
Winawasak ng tao ang mga kagubatan ng lupa.
Gayunman, ang mga kagubatang ito ay napakahalaga sa buhay sa planetang ito. Ang mga ito ay tahimik, magagandang pabrika—tagagawa ng oksiheno, ng pagkain, ng di-mabilang na nabubuhay na mga bagay. Kung ang lahat ng kagubatan ay mawasak, ang buhay sa lupa ay magiging lubhang napakahirap. At ang mga ito ay mabilis na naglalaho! “Tanging Diyos lamang ang makagagawa ng isang punungkahoy,” sulat ng isang makata. Totoo. Subalit walang nagwawasak dito na gaya ng tao.