“Isang Kabang Yaman ng mga Tanong at Sagot”
Iyan ang itinawag ng isang babae mula sa Pittsburg, Pennsylvania, E.U.A., sa aklat na Nangangatuwiran mula sa Kasulatan. Sabi niya: “Dinalaw ako kamakailan ng dalawang Saksi ni Jehova sa aking tahanan. . . . Di-sinasadyang naiwan ng isa sa kanila ang aklat na pinamagatang Nangangatuwiran mula sa Kasulatan. Inaamin ko, sinaliksik ko ang aklat! Naupo ako’t binasa ko ito sa loob ng mga ilang oras. Hangang-hanga ako. . . . Sa akin ang aklat na ito ay parang isang kabang yaman ng mga tanong at sagot, marami sa mga ito ang itinanong ko mis-mo.”
Ang mahalagang aklat na ito ay naglalaman ng mahigit na 70 pangunahing mga paksa. Kabilang dito ang “Aborsiyon,” “Droga,” “Kapistahan,” “Rapture,” “Reinkarnasyon,” “Sekso,” at “Espiritismo,” at marami pang iba. Ang pitong-pahinang indise nito ng mga paksa at mga kasulatan ay makatutulong sa iyo upang madaling masumpungan ang mga kasagutan. Upang tumanggap ng isang kopya, punan at ihulog sa koreo ang kupon sa ibaba.
Nais kong tumanggap ng pinabalatang 448-pahinang aklat na Nangangatuwiran mula sa Kasulatan. (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa sangay ng Watch Tower doon para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 4.)