Pahina Dos
Kahit ang Ipinagbubuntis na Sanggol ay Handang Lumaban
Mga ilang buwan bago isilang, ang ipinagbubuntis na sanggol ay naghahanda para sa labanan. Gumagawa ito ng mga sandata para sa sistema ng imyunidad. Sa panahong isilang ang sanggol, ang mga depensa nito ay inihahanda na upang kilalanin at hadlangan ang di-kilalang mga bagay. Ang mga antibody buhat sa ina nito ay nasa dugo ng sanggol, mas matindi kaysa ina nito. Ang mga phagocyte ay naghihintay sa mga himaymay ng sanggol upang lamunin ang anumang walang kaugnayang mga mananalakay. Ito at ang iba pang mga tagapagtanggol laban sa sakit ay nasa mga trentsera, handa para sa labanan. At mabuti nama’t handa sila, sapagkat sa pagsilang, ang bagong silang ay nahahantad sa mabigat na pagsalakay ng laging-naroroong mga pagkaliliit na mga organismo.
Pagsilang ang sistema ng imyunidad ng sanggol ay pinalalakas upang labanan ang anumang sumasalakay—ang pangwakas at tiyak na lakas na nanggagaling sa unang mga lunok ng sanggol sa gatas ng ina. Ang gatas ng ina sa mga unang araw na iyon ay tinatawag na colostrum, at ito’y punô ng sarisaring antibodies. Sinusugo nito ang mga sanggol sa mga digmaan na lubhang nasasandatahan.
“Sa gulang na dalawa o tatlong buwan, . . . ang mga gumagawa ng sandata sa pulang utak ng buto at ang thymus ay napakabilis na nagtatrabaho. Kapag ang bata ay sampung taóng gulang, ang sistema ng imyunidad ng tao ay nasa kalakasan nito, armadung-armado. Pagkatapos noon, ang lakas nito ay unti-unting humihina.”—The Body Victorious, mga pahina 34-5.
Sa pasimula ng buhay, ang labanan ay nagsisimula, at ito ay hindi magwawakas hanggang sa kahuli-hulihang hininga.
[Picture Credit Line sa pahina 2]
Lennart Nilsson