“Hindi Ito Paliguy-ligoy”
Hindi madali ang lumaki sa magulong panahong ito. Nakakaharap ng mga kabataan ang maraming bagong mga kalagayan at kailangan nilang gumawa ng mabibigat na pasiya. Dapat ba akong uminom? Gumamit ng droga? Ano ang tamang paggawi sa isa na hindi kasekso? Kailangan ng mga kabataan ang mga sagot na maaasahan, na hindi paliguy-ligoy. Pagkabasa sa aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, isang batang babae sa Greensboro, North Carolina, ang sumulat:
“Siyang-siya ako sa pagbabasa ng aklat na ito. Ang mga katotohanan at payo na naririto ay tutulong sa mga kabataan na magtakda ng tamang mga tuntunin. Ang aklat na ito ay malawak ang sakop at may mahuhusay na halimbawa para sa bawat problema. Minsang simulan mong basahin ito, hindi mo ito maibaba, ang mga kabanata ay totoong kawili-wili. Hindi ito paliguy-ligoy, wika nga, kundi nagbibigay ng tuwirang mga sagot sa problema.
“Lahat-lahat, ang aklat na ito ay talagang kahanga-hanga, makatotohanan, napakahusay, . . . hindi mailarawan ng mga salita kung gaano kaganda ang aklat na ito. Lubha kong inirerekomenda ang aklat na ito sa lahat, lalo na sa mga kabataan.”
Inaakala namin na kayo o ang inyong mga anak ay makikinabang nang husto mula sa 320-pahinang publikasyong ito na may kaakit-akit na mga ilustrasyon. Para sa impormasyon sa kung paano makakakuha ng isang kopya, punan at ihulog sa koreo ang kupon.
Nais kong tumanggap ng pinabalatang 320-pahinang aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas. (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa sangay ng Watch Tower doon para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 4.)