Sila ba’y Hindi Pabagu-bago?
NANG ipahiwatig ng Romano Katolikong kardinal na si John O’Connor na ang mga pulitikong Katoliko ay maaaring maiskomulgado kung hindi nila itataguyod ang katayuan ng simbahan tungkol sa aborsiyon, ang kolumnistang si Mike Royko ay sumulat: “Samantala, mayroon kaming pari [si Vincent Gigante] na nagtutungo sa korte at nagsasabi na ang isa sa kilalang gangster sa New York, isang mambubugbog at panganib, ay hindi talagang gangster.”
Sabi pa ni Royko: “Hindi ako kailanman nakabasa ng anumang bagay tungkol kay O’Connor na nagsasabing: ‘Sinumang nauugnay sa isang pamilya ng krimen—ang pangkat ng Genovese, ang grupo ng Gambino at ang iba pa sa kanila—ay haharap ng ekskomunikasyon. Dahil sa ang isa ay naging miyembro ng aming simbahan nang siya’y munting bata pa ay hindi nangangahulugan na ipahihintulot namin ang kaniyang laban-sa-lipunan na paggawi kapag siya’y naging Padrino.’ ”