Ibang Uri ng Liwanag
Bago ang bukang-liwayway ang langit sa Scandinavia ay buháy sa maningning na mga gasa at bandireta ng liwanag. Ito ang maalamat na aurora borealis, o liwanag sa hilaga. Ang mga tao sa Sweden ay tuwang-tuwang masdan ang palatandaang ito sa gabi.
Gayunman, ibang uri ng liwanag ang nakatawag ng pansin ng marami sa bansang ito sa hilaga—ang liwanag ng katotohanan ng Bibliya. Mula sa mga mamamayan ng Stockholm sa mayelong Baltic Sea hanggang sa Lapps sa malayong hilaga, ibinabahagi ng mga Saksi ni Jehova sa Sweden ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo Jesus sa lahat ng makikinig.
Itinatampok ng 1991 Yearbook of Jehovah’s Witnesses ang gawain ng mga Saksi hindi lamang sa Sweden kundi ang gawain din ng mga Saksi sa Hawaii at sa Thailand. Karagdagan pa nagbibigay ito ng pinakahuling larawan ng gawain na ginagawa ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig. Kung nais mong malaman kung paano tatanggap ng 256-pahinang aklat na ito, pakisuyong punan at ihulog sa koreo ang kalakip na kupon.
Nais kong tumanggap ng 1991 Yearbook of Jehovah’s Witnesses. (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa sangay ng Watch Tower doon para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 5.)