Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g91 1/8 p. 31
  • Kapaha-pahamak na Dilubyo sa “Down Under”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kapaha-pahamak na Dilubyo sa “Down Under”
  • Gumising!—1991
  • Kaparehong Materyal
  • Pagpapakita ng Pag-ibig—Isang Matagalang Pagtulong
    Gumising!—2002
  • Isang Bagay na Hindi Matatangay ng Bagyo
    Gumising!—2003
  • Nagbibigay ng Tulong sa Lahat ng Dako
    Gumising!—2001
  • Sama-samang Sumusulong sa Pag-ibig
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
Iba Pa
Gumising!—1991
g91 1/8 p. 31

Kapaha-pahamak na Dilubyo sa “Down Under”

ISIP-ISIPIN ang baha na inapawan ang isang lugar na kasinlaki ng Gran Britaniya, Pransiya, at Alemanya na pinagsama. Bueno, iyan ang nangyari noong nakaraang taon sa Queensland, Australia. Ang Charleville, isang bayan malapit sa sentro ng lugar ng sakuna, ay kailangang ilikas. Tatlong libong mga maninirahan ang nagsiksikan sa mga tolda sa mataas na lugar sa paliparan doon. Ang ilan ay kinailangang sagipin mula sa mga bubungan sa pamamagitan ng mga helikopter.

Isang maliit na grupo ng 35 katao na kabilang sa Kongregasyon ng Charleville ng mga Saksi ni Jehova ay nanganlong sa isang Saksi na ang lupa ay nasa mataas na lugar mga 10 kilometro sa labas ng bayan. Ito ay naging base ng pagkilos upang tulungan yaong mga nawalan ng tirahan.

Mabilis, ang mga Saksi ay nagsimulang kumilos. Sa Dalby, 550 kilometro ang layo, isang pangkat ng mga boluntaryo ang binuo upang linisin ang nabahang mga tahanan. Sa Roma, 270 kilometro ang layo, ang mga Saksi ay nagtipon ng pagkain at iba pang emergency na mga panustos, gaya ng mga kumot at pananamit. Pagkatapos ng panghimpapawid na pagmamasid upang alamin ang pinsala, nagdatingan ang mga boluntaryo​—mahigit na isang daang malalakas na boluntaryo.

Inilarawan nila ang lugar ng sakuna na “di mawari.” Limang centimetro ng burak at banlik ang nakatakip sa lahat ng bagay. Wasak na mga muwebles ay nagkalat sa mga silid, ang mga karpet ay nasira, lubog ang elektrikal na mga kasangkapan, ang mga kotse’y taob. Ang baho ng nabubulok na mga pagkain, nababad na mga kahoy, at mga basura ay nagkalat.

Ang mga boluntaryo ay nagsimulang magtrabaho. Noong Sabado, Abril 28, mahigit na isang linggo pa lamang pagkatapos ng baha, ang mga tahanan at bakuran ng mga Saksi sa Charleville ay malinis at kagalang-galang. Gayunman, higit pa kaysa linis lamang ang kailangan. Ginawa ng mga boluntaryo na maibalik ang kuryente sa mga tahanan at kinumpuni nila ang mga kotse at mga kagamitan sa bahay. Ang mga tagapaglagay ng karpet ay naglatag ng bagong mga karpet; ang mga gumagawa ng kabinet ay gumawa at nagkabit ng bagong mga kabinet; ang mga karpintero, pintor, at tubero ay gumawa ng mga pagkumpuni.

Ang resulta: Dalawang linggo pagkaraan ng baha, lahat ng mga Saksi ay bumalik na sa kanilang kinumpuning mga tahanan. Gayunman, hindi tinakdaan ng mga boluntaryo ang kanilang pagtulong sa kapuwa mga Saksi lamang. Nang linisin ng isang pangkat ang tahanan ng isang Katoliko, siya ay paulit-ulit na nagpahayag ng kaniyang labis na pagtataka.

Sa Brisbane ang mga Saksi ay pinapurihan sa radyo dahil sa kanilang paggawa noong panahon ng baha. At sa Charleville, maraming tao sa bayan ang namangha na makita kung gaano kabilis kumilos ang mga Saksi. Isang taong dating salansang sa kanila ay narinig na nagsabi: “At may lakas pa tayo ng loob na paalisin sila sa ating pinto.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share