‘Nakaaaliw na Malamang may Isang Nagmamalasakit’
May ilang tao na tila mabuti kung tingnan, subalit napakatindi ng kanilang nadarama. Ano ang makatutulong? Ang pagmamalasakit at pag-unawa ay mahalaga. Noong nakaraang taon isang tao ang sumulat sa Samahang Watch Tower sa Brooklyn, New York:
“Kababasa ko lamang ng tract na Kaaliwan Para sa Nanlulumo. Nakararanas ako ng pana-panahong panlulumo na sanhi ng di-pagiging timbang ng kemikal sa katawan. Talagang nakaaaliw ang tract.
“Nakaaaliw na malamang may pag-asa hinggil sa panlulumo at na may mga paraan upang mabatá ito. Nakaaaliw din na malamang may isang nagmamalasakit at nakauunawa sa mga taong gaya ko na nakararanas ng panlulumo.”
Napakaraming sinasabi ng tract na ito sa napakaliit na espasyo. Kung nais mong magkaroon ng kopya nito o ng higit pang impormasyon, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1099 Manila, o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5.
Larawan sa pahina 32]
Kaaliwan Para sa Nanlulumo