Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 5/22 p. 27
  • Pagsisikap ng Klero na Abutin ang mga Kabataan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagsisikap ng Klero na Abutin ang mga Kabataan
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Anong Karera ang Dapat Kong Piliin?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
  • Magbigay Ka ng Palagiang Pansin sa Iyong Turo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Anong Karera ang Dapat Kong Piliin?
    Gumising!—1989
  • Kung Bakit Kailangan Natin ang Tumpak na Kaalaman
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 5/22 p. 27

Pagsisikap ng Klero na Abutin ang mga Kabataan

“Ang kapelyan ng McGill University . . . ay dinagsa ng grupo ng mapomadang-buhok, nakasuot ng dyaket na balát na mga punk,” ulat ng The Gazette ng Montreal, Canada. Subalit, ang “mga punk” ay hindi basta pangkaraniwan. Sila’y mga miyembro ng klero​—mga kapelyan ng pamantasan​—at bahagi ng sinasabi ng pahayagan na “bagong sibol na mga teologo na tuwirang nakikipagtulungan sa mga estudyante sa pamantasan na naghahanap ng espirituwal na kaliwanagan.”

Ang mga kapelyan ay nagbihis gaya ng “mga punk” para sa isang disenyo sa paskil upang ianunsiyo ang kanilang paglilingkod sa mga kampus. Ang isa sa kanila, isang ministrong Presbyterian na nagngangalang Roberta Clare, ay nagpaliwanag: “Ipinasiya naming lumikha ng isang paskil ng punk sapagkat gusto naming takasan ang mas-banal-kaysa-sa-iyo, mapanghusgang katauhan na karaniwang ipinalalagay sa amin.”

Kaniya rin namang napansin na mas maraming estudyante noon ang interesado sa pag-aaral ng relihiyon sa paaralan. Marami ang nakikipagpunyagi sa mahihirap na katanungan at umaasa sa mga guro at mga kapelyan sa unibersidad para sa mga kasagutan. Kinapanayam ng pahayagan ang isang estudyante na nagtatanong kung bakit ang relihiyon ay may gayon na lamang kalakas na impluwensiya sa pamayanan, kung bakit napakaraming relihiyon na umiiral, at bakit waring ang mga ito ay sanhi ng napakaraming alitan sa mundo. Siya’y nangangapa sa tunay na pagkakakilanlan ni Jesu-Kristo gayundin sa katanungan tungkol sa pinagmulan ng sansinukob.

Ginagamit ba ng mga kapelyan ang Bibliya upang matulungan ang mga estudyante na masumpungan ang kasagutan sa gayong malalalim na katanungan? Waring bihira nga. Ang Bagong Sibol na mga teologong ito ay sumang-ayon sa isa’t isa na huwag mangumberte, na kanilang minamalas ito bilang “pagnanakaw ng tupa.”

Bagaman sila’y may mabuting hangarin, ang gayong mga klero ay lubusang lumayo sa mga pamamaraan ng pagtuturo na ginamit ni Kristo at ng kaniyang mga tagasunod. Ang sinaunang mga Kristiyano ay hindi nabahala tungkol sa “pagnanakaw ng tupa,” ni pinigilan ang kanilang mga sarili sa pagtuturo ng Salita ng Diyos at pagtulong sa taimtim na mga naghahanap ng katotohanan upang maunawaan ito. (Lucas 24:44, 45; Gawa 20:20) Sa paano man, ang tumpak na kaalaman tungkol sa Diyos na Jehova at sa kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, ay kailangan upang matamo ang buhay na walang-hanggan. (Juan 17:3) Ang kalooban ng Diyos ay na ang lahat ng uri ng tao ay dapat na “sumapit sa tumpak na kaalaman sa katotohanan” upang maligtas.​—1 Timoteo 2:3, 4.

Lakip sa gawain ng mga Saksi ni Jehova ang pagdaraos ng libreng pantahanang mga pag-aaral sa Bibliya kasama ng mga nagnanais na masagot ang kanilang mga katanungan sa Bibliya. Ang mga Saksi ni Jehova sa inyong pamayanan ay malugod na tutulong sa inyo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share