Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 8/8 p. 15
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Gumising!—1996
  • Subtitulo
  • Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
Gumising!—1996
g96 8/8 p. 15

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa ibinigay na mga sipi sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nakalimbag sa pahina 21. Para sa karagdagang impormasyon, sangguniin ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)

1. Ano ang dating sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na huwag nilang dalhin samantalang nangangaral, na nang dakong huli’y sinabi niyang dalhin nila? (Lucas 9:3; 22:35, 36)

2. Di-tulad ng dugo, ano ang ipinagbawal na kainin tangi lamang sa bansang Israel? (Levitico 3:17)

3. Nasaan si Gideon nang atasan siya ng anghel ni Jehova na maging tagapagligtas ng Israel? (Hukom 6:11-14)

4. Sino ang nag-iisang propeta, mula sa 400, na nagsalita ng katotohanan kay Haring Ahab tungkol sa dumarating na kampanyang militar laban sa mga taga-Siria? (1 Hari 22:13)

5. Ano ang Hebreong panukat ng manna na inilalaan araw-araw sa bawat Israelita noong panahon ng kanilang 40-taóng paglalakbay sa iláng? (Exodo 16:16)

6. Ano ang inihulang mangyayari sa makapangyarihang lunsod ng Nineve? (Zefanias 2:13)

7. Sa aling bundok namatay si Moises pagkatapos matanaw ang Lupang Pangako? (Deuteronomio 32:49, 50)

8. Sa anong hayop na bumabalik sa lusak pagkatapos paliguan inihambing ni Pedro ang mga Kristiyano na nagbabalik sa dating landasin ng buhay? (2 Pedro 2:22)

9. Anong uri ng gusali ang binanggit sa Bibliya sa mga aklat lamang ng 1 Cronica, Nehemias, Esther, at Daniel? (Daniel 8:2)

10. Sa ano inihahalintulad ng Kawikaan 23:27 ang isang patutot?

11. Anong titulo ang ginamit ni Festo bilang pagtukoy kay Cesar Nero? (Gawa 25:21)

12. Alin sa dalawang naglalakbay na tagapangasiwa ang kasama ni Timoteo sa Corinto nang ipadala ang mga pagbati at pampatibay-loob sa kongregasyon sa Tesalonica? (1 Tesalonica 1:1)

13. Ano ang sinabi ni Santiago na tinatanggap ng Diyos bilang “malinis at walang dungis” tanging kung ang isa ay nananatiling “walang batik mula sa sanlibutan”? (Santiago 1:27)

14. Ilang beses sa isang taon “haharap kay Jehova” sa Jerusalem ang lahat ng lalaking Israelita? (Deuteronomio 16:16)

15. Ano ang kinain ni Jesus upang patunayan na ang kaniyang mga apostol ay hindi nakakakita ng isang espiritu nang siya’y magpakita sa kanila pagkatapos ng kaniyang pagkabuhay-muli? (Lucas 24:36-43)

16. Ano ang sinasabi ng Awit 146:3 na hindi mo dapat gawin, sapagkat ang mga tao ay hindi pinagmumulan ng kaligtasan?

17. Sa gitna ng anong uri ng halaman itinago ang sanggol na si Moises upang huwag siyang mapatay ni Faraon? (Exodo 2:3)

18. Aling Filisteong diyos ang hinamak sa harap ng banal na kaban ni Jehova? (1 Samuel 5:2-7)

19. Ano ang tinatawag ng Diyos na kaniyang “tuntungan”? (Gawa 7:49)

20. Anong pambihira at mahalagang punungkahoy ang ginamit sa pagtatayo kapuwa ng templo at mga instrumento sa musika? (1 Hari 10:12, King James Version)

21. Aling faraon ng Ehipto ang nagsalita “mula sa bibig ng Diyos” kay Haring Josias, na hindi nakinig at napatay? (2 Cronica 35:22)

22. Saan napalalaya ang isang babae sa pagkamatay ng kaniyang asawa? (Roma 7:3)

Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit

1. Isang supot ng pagkain

2. Taba

3. Sa Ophra

4. Micheas

5. Isang omer

6. Isang tiwangwang at tuyong lugar

7. Bundok Nebo

8. Isang babaing baboy

9. Isang palasyo

10. Isang malalim na hukay

11. Isa na Augusto

12. Pablo at Silvano

13. Anyo ng pagsamba

14. Tatlo

15. Isang pirasong inihaw na isda

16. Ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo o sa anak man ng makalupang tao

17. Mga tambo

18. Dagon

19. Ang lupa

20. Almug

21. Nechao

22. Sa batas ng kaniyang asawa

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share