Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa mga sinipi sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay inilimbag sa pahina 22. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)
1. Sa pamamagitan ng ano nagawa ng Diyos ang paglalang ng materyal na sansinukob? (Genesis 1:2)
2. Sa pamamagitan ng mga tanglaw sa kalawakan ng mga langit, si Jehova ay naglaan ng saligan para sa ano? (Tingnan ang Genesis 1:14.)
3. Ano ang inaasahang magawa ng mga lingkod ni Senakerib sa pamamagitan ng pagsasalita nang malakas at sa sariling wika ng mga Judio sa mga Judio sa pader ng Jerusalem? (2 Cronica 32:18)
4. Anong kasangkapan sa pagsasaka ang ginamit noong sinaunang panahon upang alisin ang mga panirang-damo sa lupa? (Isaias 7:25)
5. Anong pangalan ang ibinigay sa sagradong burdadong supot, na naglalaman ng Urim at Tumim, na isinusuot ng mataas na saserdote sa ibabaw ng kaniyang puso kapag siya’y pumapasok sa Banal na dako? (Exodo 28:29, 30)
6. Ayon sa batas ng Diyos, gaano karaming saksi ang kinakailangan upang mapatunayan ang isang bagay? (Hebreo 10:28)
7. Ano ang pangalan ng mandirigmang Israelita na pumatay kay Lahmi, ang kapatid ni Goliat? (1 Cronica 20:5)
8. Sino ang mataas na saserdoteng nag-utos na patayin si Reyna Athalia? (2 Hari 11:15, 16)
9. Ano ang sinasabi ng Bibliya na magagawa ng isang tao sa “mukha” ni Jehova kapag nagsusumamo para sa awa? (Exodo 32:11)
10. Aling anak ni Jacob ang may pangalan na nangangahulugang “Mabuting Kapalaran,” batay sa bulalas ni Lea noong panahon ng pagsilang nito? (Genesis 30:11)
11. Ano ang pangalan ng mataas na batong pinagtayuan ni Solomon ng templo ni Jehova? (2 Cronica 3:1)
12. Ano ang kahulugan ng titulo ni Jesus na “Kristo”? (Gawa 4:26)
13. Ano ang sinabi ni Jesus na dapat gawin “upang makapasok sa makipot na pintuan”? (Lucas 13:24)
14. Anong pangalan ang ibinigay sa huling makalupang nilalang ng Diyos na iniulat sa Bibliya? (Genesis 3:20)
15. Mula pa noon, anong pagsusuri sa mga puso ng sangkatauhan ang ginawa ng Diyos? (Genesis 8:21)
16. Ang anak na babae ng sinong haring Midianita ang pinatay ni Phinehas, na nagwakas sa salot ng Diyos sa Israel? (Bilang 25:15)
17. Sa paggamit ng ano nilinlang ng asawa ni David na si Michal ang mga mensahero na isinugo ni Saul upang patayin si David? (1 Samuel 19:11-16)
18. Sa ano ibinuhos ng ikapitong anghel ang kaniyang mangkok ng galit ng Diyos? (Apocalipsis 16:17)
19. Anong kataga ang ginagamit sa Bibliya upang ilarawan ang mga taong hindi Israelita? (Ezra 10:2)
20. Sinong inapo ni Juda, palibhasa’y walang anak, ang nagbigay ng kaniyang anak na babae sa kaniyang lingkod na si Jarha upang ipagpatuloy ang kaniyang linya ng talaangkanan? (1 Cronica 2:34, 35)
21. Ano ang nag-udyok kay Uzza, samantalang inililipat ang kaban ng tipan, upang hawakan ito? (1 Cronica 13:9, 10)
22. Anong nag-iisang ulat sa Bibliya ang tanging bumabanggit sa atas ng propeta na ipahayag ang isang mensahe ng pagkapuksa sa isang di-Israelitang lunsod?
23. Ano ang hindi maaaring gawin ng Diyos? (Hebreo 6:18)
24. Kapag si Jehova’y nagbibigay ng pagpapala, ano ang hindi niya idinaragdag dito? (Kawikaan 10:22)
25. Anu-anong bagay ang kinuha ni David mula sa uluhan ni Saul samantalang natutulog si Saul upang patunayan na hindi niya sasaktan ito? (1 Samuel 26:12)
26. Ano ang ginawa ni Jesus upang hindi siya mabato? (Juan 8:59)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Ang kaniyang aktibong puwersa
2. Kalendaryo
3. Upang takutin sila at guluhin sila
4. Asarol
5. Pandibdib
6. Dalawa
7. Elhanan
8. Jehoiada
9. Palambutin ito
10. Gad
11. Bundok Moria
12. Pinahirang Isa
13. “Magsikap kayo nang buong-lakas”
14. Eva
15. “Masama magmula sa kaniyang kabataan”
16. Zur
17. Isang larawang terafim at isang supot ng buhok ng kambing
18. Ang hangin
19. Banyaga
20. Sheshan
21. Ang mga baka ay natisod
22. Ang aklat ni Jonas
23. Magsinungaling
24. Kirot
25. Isang sibat at isang banga ng tubig
26. Siya’y nagtago