“Ito ang Kauna-unahang Aklat na Nabasa Niya”
Ang mga Saksi ni Jehova sa Ukraine ay karaniwang nakikipag-usap sa mga naghihintay ng tren. Isang babaing nagpakita ng interes sa Bibliya ang binigyan ng isang kopya ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, isang publikasyon na gumagamit ng maraming larawan ayon sa pagkakasunud-sunod sa kasaysayan ng Bibliya.
Nang maglaon, sa istasyon ding iyon, nakitang muli ng babae ang Saksi at nagpasalamat sa kaniya para sa aklat, na nagsasabi: “Ayaw pag-aralan ng aking anak na lalaki ang kaniyang mga aklat sa paaralan. Bihira niyang basahin ang mga ito. Subalit nang ibigay ko sa kaniya ang aklat na Mga Kuwento sa Bibliya, nakita niya ang mga larawan at nagkaroon ng masidhing pagnanais na basahin ito. Binasa niya ang buong aklat sa loob ng halos dalawang linggo. Ito ang kauna-unahang aklat na nabasa niya. Subalit higit sa lahat, tuwang-tuwa siyang makilala ang Diyos. At ako mismo ay natutuwa na makita ang mga pagbabagong ito sa kaniya. Pakisuyong bigyan pa ninyo ako ng mababasa.”
Isa pang babae ang nakatayo sa malapit at narinig ang kuwentong ito. Tinanong niya kung maaari rin siyang makakuha ng isang kopya ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Ikaw man ay maaaring magkaroon ng isang kopya ng 256-pahinang aklat na ito o magpadalaw sa inyong bahay upang ipakipag-usap sa iyo ang kahalagahan ng edukasyon sa Bibliya, sa pamamagitan ng pagsulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa direksiyong pinakamalapit sa inyo na nakatala sa pahina 5.