Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 9/8 p. 31
  • Labis-labis na Pag-eehersisyo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Labis-labis na Pag-eehersisyo
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Paano Ako Mapapasiglang Mag-ehersisyo?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Sapat ba ang Iyong Ehersisyo?
    Gumising!—2005
  • Tip #3—Maging Aktibo
    Gumising!—2011
  • Mabuting Kalusugan—Ano ang Magagawa Mo Rito?
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 9/8 p. 31

Labis-labis na Pag-eehersisyo

“ANG isang di-pangkaraniwang naibubunga ng kilusan tungkol sa ehersisyo,” ang sabi ng The Toronto Star, “ay ang pagkasugapa ng mga labis-labis na nag-eehersisyo.” Ang Star ay nag-uulat na ang labis-labis na pag-eehersisyo ay kapuwa nagpapahirap sa mga lalaki at mga babae. Ang mga lalaki ay maaaring magpakalabis sa pag-eehersisyo upang mapanauli ang kanilang kabataan, ang sabi ng ilang doktor at mga therapist, subalit ang mga dahilan kung bakit nagpapakalabis sa pag-eehersisyo ang mga babae ay karaniwang dahil sa di-mabuting hugis ng katawan at mga sakit na nauugnay sa pagkain.

Marami sa nagpasimulang mag-ehersisyo ay bumuti ang pakiramdam at hitsura subalit sa dakong huli ay nagpapakalabis sa pag-eehersisyo dahil lamang sa kailangang mag-ehersisyo. Si Richard Suinn, ang sikologo sa isport at tagapayo ng ilang koponan ng Olimpiyada, ay nagsabi na ang labis-labis na pag-eehersisyo ay lumilitaw kapag ito’y “nakasalig sa emosyonal na paninindigan sa halip na basta pag-eehersisyo lamang.” Kapag pinakikitunguhan ang ganitong problema, tinitiyak ng mga doktor at mga therapist ang uri ng epekto na naidudulot ng ehersisyo sa buhay ng mga pasyente. Kapag gumagawa sila ng iba’t ibang trabaho na nangangailangan ng panahon kalakip pa ng pangangalaga sa bahay at sa mga anak, ang labis-labis na pag-eehersisyo ay magdudulot ng negatibong epekto sa kanilang kalusugan. Ayon kay Dr. Thomas Schwenk, isang propesor ng family practice medicine, “maaaring sila’y malusog pa rin sa katawan, subalit may problema sa pakikitungo sa iba, problema sa trabaho, at di-pagkakasundo sa pamilya.”

Itinala ng Star ang ilang nagbababalang mga palatandaan na nauugnay sa mga sugapa sa ehersisyo: ‘Pagpili ng mga ehersisyong pang-isahan lamang, gaya ng pagbibisikleta, paglangoy, pagtakbo o pagbubuhat ng mga barbel; hindi binabago ang iskedyul ng pag-eehersisyo; paniniwala na sapilitan ang pag-eehersisyo at hindi matiis na maipagpaliban ito; at pagbagsak ng ibang aspekto ng personal na buhay.’

Bagaman kinikilala ng mga taong nauugnay sa larangan ng palakasan ang mga pakinabang ng katamtamang pag-eehersisyo, sila rin ay nagbababala tungkol sa nakasasamang epekto ng labis-labis na pag-eehersisyo.​—1 Timoteo 4:8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share