Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 9/8 p. 26
  • “Isang Simponiya ng Kahanga-hangang Tiyempo”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Isang Simponiya ng Kahanga-hangang Tiyempo”
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Kalamnan—Obra Maestra sa Pagkakadisenyo
    Gumising!—1999
  • Mga Salitang Binigkas Nang Maliwanag
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Pananalita
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Magsalita ng “Mabuti sa Ikatitibay”
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 9/8 p. 26

“Isang Simponiya ng Kahanga-hangang Tiyempo”

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA TIMOG APRIKA

ANG pagsasalita ng tao ay kamangha-mangha. Halos 100 kalamnan sa dibdib, lalamunan, panga, dila, at labi ang sama-samang kumikilos upang maglabas ng di-mabilang na iba’t ibang tunog. Ang bawat kalamnan ay isang bungkos ng daan-daang libong himaymay. Mas maraming selula sa utak ang kumokontrol sa mga himaymay na ito ng kalamnan kaysa kinakailangan upang mapakilos ang mga kalamnan sa mga binti ng isang atleta. Ang isang selula ng nerbiyo ay sapat na upang mapagalaw ang bawat 2,000 himaymay ng calf muscle. Sa kabaligtaran naman, ang mga selula ng nerbiyo na kumokontrol sa voice box, o babagtingan, ay maaaring nakakabit sa kakaunting mga himaymay na kalamnan na dalawa o tatlo ang bilang.

Ang bawat salita o maikling parirala na iyong binibigkas ay may sarili nitong parisan ng galaw ng kalamnan. Ang lahat ng impormasyon na kinakailangang ulitin sa isang pariralang gaya ng “Kumusta ka?” ay nakaimbak sa isang lugar sa iyong utak para sa pagsasalita. Nangangahulugan ba ito na ang iyong utak ay gumagamit ng isang pantangi, hindi nagbabago at magkakasunod na hakbang ng pag-uulit ng bawat salita o parirala? Hindi naman. Ang kakayahan sa pagsasalita ay mas kahanga-hanga pa riyan. Halimbawa, baka may singaw ka sa bibig anupat nagpapahirap sa iyo na bigkasin ang mga salita sa pantanging paraan mo. Bagaman hindi ito pinag-iisipan, ang iyong utak ay bumabagay sa paggalaw ng iyong kalamnan sa pagsasalita, na nagpapangyari sa iyo na bigkasin ang mga salita na kasinlapit hangga’t maaari ng iyong normal na paraan sa pagsasalita. Nagpapakita ito ng isa pang kahanga-hangang bagay.

Ang simpleng pagbati na gaya ng “Hi” ay maaaring magbigay ng napakaraming kahulugan. Ang tono ng boses ay maaaring magpakita kung ang nagsasalita ay masaya, natutuwa, nababagot, nagmamadali, nayayamot, nalulungkot, o natatakot at maaaring magsiwalat ng iba’t ibang antas ng gayong kalagayan ng damdamin. Oo, ang kahulugan ng isang salita ay maaaring magbago depende sa antas ng kilos at sa isang iglap ng tiyempo ng maraming iba’t ibang kalamnan.

“Sa katamtamang bilis,” ang paliwanag ni Dr. William H. Perkins sa kaniyang aklat na Stuttering Prevented, “tayo’y nakabibigkas ng halos 14 na tunog sa bawat segundo. Iyan ay dalawang ulit ang bilis kaysa makokontrol ng ating dila, labi, panga o anumang ibang bahagi ng ating mekanismo sa pagsasalita kapag ginagamit natin nang magkakahiwalay ang mga ito. Subalit pagsamahin mo ang mga ito upang magsalita at ang mga ito’y kumikilos na gaya ng mga daliri ng bihasang mga nagmamakinilya at nagpipiyano sa konsiyerto. Ang kilos ng mga ito ay nagsasanib sa isang simponiya ng kahanga-hangang tiyempo.”

Sa isang limitadong paraan, ang ilang ibon ay nakagagaya sa tunog ng pagsasalita ng tao. Subalit walang hayop ang may utak na nakaprograma upang magsalita na gaya ng ginagawa ng tao. Hindi kataka-taka na ang mga siyentipiko ay bigo sa kanilang pagtatangkang pagsalitain nang malinaw ang mga bakulaw. Ayon sa neurologo na si Ronald Netsell, ang kasanayan na kinakailangan upang makapagsalita ay maihahalintulad sa “di-pangkaraniwang tao na tumutugtog ng piyano ‘sa pamamagitan ng uwido’ lamang.” O gaya ng hinuha ng leksikograpong si Ludwig Koehler: “Ang pagsasalita ng tao ay isang lihim; ito’y isang kaloob ng Diyos, isang himala.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share