Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa ibinigay na mga sipi mula sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nakalimbag naman sa pahina 27. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)
1. Sa anong hanapbuhay iniuugnay si Jesus sa kaniyang sariling teritoryo? (Marcos 6:3)
2. Sinong Kristiyano sa Roma na ang ina ay napamahal kay Pablo anupat tinawag siya ni Pablo na kaniyang sariling ina? (Roma 16:13)
3. Anong mga lalaki na di-pangkaraniwan ang laki ang nakita ng mga tiktik na isinugo ni Moises sa Hebron na lubhang ikinatakot ng sampu sa kanila anupat natakot silang pumasok sa Lupang Pangako? (Bilang 13:22, 32, 33)
4. Ayon sa sinaunang mga panukat, gaano karaming langis ng olibo ang ginamit sa paggawa ng banal na langis na pampahid? (Exodo 30:24)
5. Ano ang mangyayari sa “pangalan mismo ng mga balakyot”? (Kawikaan 10:7)
6. Saan huminto ang prusisyon ng libing ni Jacob para sa pitong araw ng pagdadalamhati bago siya ilibing sa kuweba ng Machpelah? (Genesis 50:10)
7. Bakit inutusan ni Haring Ahasuero ng Persia ang kaniyang mga opisyal ng korte na dalhin sa kinaroroonan niya si Reyna Vasthi? (Esther 1:10, 11)
8. Anong pangyayari ang humantong sa kamatayan ni Absalom? (2 Samuel 18:9)
9. Ano ang inialok ni Caleb bilang gantimpala sa sinumang makabibihag sa moog ng Debir? (Josue 15:16)
10. Sa pagpapakikita ng kaniyang pagkawalang-hanggan, sa anong mga termino inilalarawan ni Jehova ang kaniyang sarili sa aklat ng Apocalipsis? (Apocalipsis 1:8; 21:6)
11. Ano ang tradisyonal na kasuutan ng pagdadalamhati noong panahon ng Bibliya? (Genesis 37:34)
12. Nang tanggihan ang paanyaya ni David, sino ang inirekomenda ni Barzillai na humalili sa kaniyang lugar sa maharlikang korte? (2 Samuel 19:37)
13. Sa pagsisiwalat ng ano naiwasan ni Pablo ang paghampas samantalang nasa Jerusalem? (Gawa 22:24-29)
14. Saan sumangguni sa isang midyum ng masamang espiritu si Haring Saul? (1 Samuel 28:7)
15. Bilang paglibak, ano ang inilagay ng mga Romano sa kanang kamay ni Jesus at nang dakong huli’y ginamit upang hampasin siya sa ulo? (Mateo 27:29, 30)
16. Sinong dating patutot ang naging ninuno ni Jesus? (Mateo 1:5)
17. Sa pamamagitan ng anong matalim na bato tinuli ng asawa ni Moises, na si Zipora, ang kaniyang anak at sa gayo’y naiwasan ang kasakunaan? (Exodo 4:25)
18. Sa pamamagitan ng ano hahatulan ang mga taong bubuhaying-muli? (Apocalipsis 20:12)
19. Kaninong pangalan ang nangangahulugang “Manlalaban”? (Zacarias 3:1)
20. Ang isang akusasyon laban sa isang “matanda” ay hindi dapat tanggapin malibang patunayan ng ano? (1 Timoteo 5:19)
21. Sino ang umaresto kay Jeremias salig sa maling paratang na balak niyang kumampi sa mga taga-Babilonya? (Jeremias 37:13, 14)
22. Dahil sa kasalanan ni Achan, ang mga Israelita’y natalo ng mga lalaki ng anong lunsod? (Josue 7:4, 5)
23. Ang isang may kakayahang tao na ayaw magtrabaho ay hindi dapat pahintulutang gawin ang ano? (2 Tesalonica 3:10)
24. Dahil sa pagiging balakyot, sinong dalawang anak na lalaki ni Juda ang pinatay ni Jehova? (Genesis 38:7-10)
25. Sa sinaunang Israel, may parusang kamatayan ang hindi pagsunod sa ano? (Exodo 31:14, 15)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Pagkakarpintero
2. Rufus
3. Ang Anakim, o mga anak ni Anak, na napagkamalan nilang mga inapo ng Nefilim
4. Isang hin
5. Ito’y mabubulok
6. Atad
7. Upang itanghal ang kaniyang kagandahan
8. Samantalang siya’y nakasakay sa isang mula, ang kaniyang ulo ay sumabit sa sanga ng isang malaking punungkahoy, anupat siya’y naglambitin
9. Ang pagpapakasal sa kaniyang anak na si Achsah
10. “Ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang katapusan”
11. Telang-sako
12. Kimham
13. Na siya’y isang Romano
14. En-dor
15. Isang tambo
16. Rahab
17. Batong pingkian
18. Sa pamamagitan ng “mga bagay na nasusulat sa balumbon ayon sa kanilang mga gawa”
19. Kay Satanas
20. Dalawa o tatlong saksi
21. Irijah
22. Ai
23. Kumain
24. Er at Onan
25. Ang Sabbath