Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 3/22 p. 14
  • Pinagngangalit Mo Ba ang Iyong mga Ngipin?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinagngangalit Mo Ba ang Iyong mga Ngipin?
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Kailangan Mo ba ng Postiso?
    Gumising!—1993
  • Ngipin, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • “Orthodontics”—Ano ba ang Nasasangkot Dito?
    Gumising!—1998
  • Pag-iingat sa Maseselan na Ngipin
    Gumising!—2000
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 3/22 p. 14

Pinagngangalit Mo Ba ang Iyong mga Ngipin?

MULA pa noong unang panahon ay nagngangalit na ang mga ngipin ng mga tao kapag sila’y dumaranas ng kaigtingan. Malimit gamitin ng Bibliya ang pagngangalit, o pagtitiim, ng mga ngipin upang magpahiwatig ng galit o paghihinagpis. (Job 16:9; Mateo 13:42, 50) Sa kasalukuyang sanlibutang ito na lipos ng galit at kaigtingan, literal na nagngangalit ang mga ngipin ng milyun-milyong tao, at hindi ito namamalayan ng karamihan sa kanila. Baka nasisira na nila ang kanilang mga ngipin.

Bakit ba nagngangalit ang mga ngipin ng mga tao? Masalimuot at hindi pa lubusang nauunawaan ang mga dahilan. Subalit sa ilang kalagayan ang emosyonal na kaigtingan ang siyang lumilitaw na posibleng sanhi. Ganito ang sabi ng UC Berkeley Wellness Letter: “Ang mga tao na nagngangalit ang mga ngipin ay madalas magsabing sila’y may problema sa pag-aasawa o sa pananalapi, kumukuha ng kahuli-hulihang pagsusulit, nangangambang mawalan ng trabaho, o nasa kagipitan.” Kabilang sa iba pang posibleng dahilan at mga sanhi nito ay ang di-akmang pagtitiim ng mga ngipin sa itaas at ibaba, di-pagkatulog, o ang pag-inom ng alak. Kaya naman, iminumungkahi ng Wellness Letter sa mga dumaranas nito na magbawas ng iniinom na alak; magrelaks nang kaunti bago matulog, gaya ng paliligo ng mainit-init na tubig; o ipakipag-usap sa isang kaibigan o sa isang pinagtitiwalaang tagapayo ang nakababalisang mga suliranin.

Sa araw ay baka mapansin mong pinagngangalit mo ang iyong mga ngipin o pinagkikiskisan ang mga ito. Subalit paano mo malalaman kung ginagawa mo rin ito kapag ikaw ay tulog? Kung minsan ang labis na pagngangalit, na kilala bilang bruxism, ay nagdudulot ng malakas na ingay na makagigising sa isang kakuwartong natutulog. Maaaring magising ka na masakit ang iyong ulo sa gawing sentido, o maaaring lumalagutok ang iyong panga.a Baka mapansin pa nga ng iyong dentista ang labis na pagkasira ng iyong mga ngipin. Makapagmumungkahi siya ng mga paraan na makapagpapaginhawa, tulad ng isang kagamitan na mailalagay mo sa iyong mga ngipin kung gabi. Bagaman ang proteksiyon sa bibig na tulad nito ay hindi dinisenyo upang pigilin ka sa pagngangalit, maiingatan naman nito ang iyong mga ngipin mula sa higit pang pagkasira. Sa paano man ay magrelaks ka! Kung hindi ka gaanong balisa, hindi rin gaanong magngangalit ang iyong mga ngipin.

[Talababa]

a Para sa karagdagang impormasyon, pakisuyong tingnan ang Hunyo 22, 1991, labas ng Gumising!, pahina 20-2.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share