Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 4/8 p. 15
  • Nasa Hapon nga Ba ang Libingan ni Kristo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nasa Hapon nga Ba ang Libingan ni Kristo?
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Shinto—Ang Paghahanap ng Hapón sa Diyos
    Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos
  • Ang “Daan ng mga Diyos”—Saan Nito Inakay ang Hapón?
    Gumising!—1986
  • Hades
    Glosari
  • Libingan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 4/8 p. 15

Nasa Hapon nga Ba ang Libingan ni Kristo?

NOONG 1935, ipinahayag ni Koma Takeuchi, isang paring Shinto, na natuklasan niya ang libingan ni Jesu-Kristo sa isang burol sa nayon ng Shingo, sa hilagang Hapon. Inangkin niya na ang mga dokumentong natagpuan sa kamalig ng pamilya ay nagpapakita na si Jesus ay nanirahan ng ilang panahon sa Shingo at doon na namatay. Sa paghahanap sa dakong pinaglibingan kay Jesus, nasumpungan niya ang isang bunton at ipinasiya na iyon na ang libingan.

Pagkatapos, isang Hebreong dokumento na iniulat na natagpuan sa dambana ng pamilyang Takeuchi ang nagsasabi na dalawang beses na dumalaw si Jesus sa Hapon at nag-aral pa man din ng mistisismo kasama ng mga paring Hapon. Sinasabi ng ulat na si Jesus, palibhasa’y ipinagkanulo, ay tumakas di-umano mula sa Judea patungo sa ilang ng Siberia, saka naglakbay patungong Hapon, nagpakasal sa isang babaing tagaroon na nagngangalang Miyuko, nagkaanak ng tatlong babae, at namatay sa edad na 106. Ayon sa kuwento, ang lalaking pinatay sa Jerusalem ay hindi si Jesus kundi ang kaniyang nakababatang kapatid na si Isukiri.

Ano kaya ang maaaring naging motibo sa gayong kuwento? Ayon sa pahayagang Mainichi Shimbun, ang kaugnayan sa pagitan ni Jesus at ng Shingo ay “nagpapahiwatig ng mga posibleng pagkakakitaan na lubusang nababatid ng mga lokal na awtoridad.” Kaya naman, pinasisigla ang pamamasyal. Ang higit pang pag-uusisa ay hindi. “Ipagpalagay na ang libingan ay hinukay at wala silang nasumpungan kundi matatandang buto ng baka,” sabi ng isang tagamasid. “Gunigunihin ang pagkasiphayo ng lahat.”

Kaya taun-taon tuwing Mayo 3, udyok ng pagkadama ng tungkulin ay nagtitipon ang mga panauhin sa di-umano’y libingan ni Jesus upang ipagdiwang ang “Kapistahan ni Kristo.” Isang paring Shinto ang nangangasiwa sa okasyon at nagpapalayas ng masasamang espiritu bago magsimula ang sayawan.

May katotohanan ba ang kuwentong ito? Wala. Sinasabi sa atin ng Bibliya na sa edad na 30, si Jesus ay kilala, hindi bilang isang manlalakbay sa daigdig, kundi bilang anak ng karpintero na lumaki sa Nazaret. Ang apat na Ebanghelyo ay naglalaman ng patotoo ng mga nakasaksi sa pangangaral ni Kristo sa Israel mula sa edad na 30 hanggang 33. Kasali sa mga ito ang mga lugar at petsa at nagpapatunay na si Jesu-Kristo mismo ang pinatay sa Jerusalem. Sa gayon, ang tunay na mga Kristiyano ay hindi nalilinlang ng labis-labis na kuwento na nilayong pilipitin ang katotohanan sa Bibliya para sa mapag-imbot na hangarin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share