Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 4/8 p. 20-27
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Gumising!—1998
  • Subtitulo
  • Sagot sa Maikling Pagsusulit
Gumising!—1998
g98 4/8 p. 20-27

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa mga binanggit na teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nakalimbag sa pahina 27. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)

1. Bagaman ang iba ay ‘magtalikod ng kanilang tainga mula sa katotohanan,’ ano ang ipinayong gawin ni Timoteo? (2 Timoteo 4:4, 5)

2. Sino ang dalawang opisyal ng palasyo na nagsabuwatan laban kay Haring Ahasuero? (Esther 2:21)

3. Bilang ano ipinakilala ni Nimrod ang kaniyang sarili? (Genesis 10:9)

4. Sino ang naging pangalawang asawa ni Abraham? (Genesis 25:1)

5. Paano napagaling ni Jesus ang babaing “labindalawang taon nang dumaranas ng pag-agas ng dugo”? (Marcos 5:27-29)

6. Sa paglalarawan kung magiging gaano kahirap “para sa isang taong mayaman na makapasok sa kaharian ng Diyos,” ano ang sinabi ni Jesus na mas madali pang gawin? (Lucas 18:25)

7. Anong legal na garantiya ang ginamit ng Diyos upang magbigay ng karagdagang katiyakan sa kaniyang pangako? (Hebreo 6:17)

8. Anong bahagi ng imahen sa panaginip ni Nabucodonosor ang binubuo kapuwa ng bakal at putik? (Daniel 2:41, 42)

9. Anong halaman ang ginagamit ng mga Israelita upang magwisik ng dugo sa mga poste ng pinto nang sa gayo’y hindi patayin ng anghel ng Diyos ang kanilang mga panganay? (Exodo 12:22)

10. Anong hayop ang pangunahing ginagamit sa pakikidigma noong sinaunang panahon? (Exodo 15:21)

11. Ano ang sinasabi ng Kasulatan na hindi maaaring gawin ni Jehova? (Hebreo 6:18)

12. Saan iniutos ni Jehova na magtago si Elias at doo’y pakakanin siya ng mga uwak? (1 Hari 17:3)

13. Kanino iniatas ni Jehova ang pagdadala ng kaban ng tipan? (Deuteronomio 10:8)

14. Sino ang binanggit ni Pablo bilang “ang isa na pinili ng Panginoon”? (Roma 16:13)

15. Sino ang ama ni Shekem, na napatay rin pagkatapos halayin ni Shekem si Dina? (Genesis 34:26)

16. Sino ang ama ni Abraham? (Josue 24:2)

17. Ano ang hiniling ng Diyos na dapat ibayad para sa 273 panganay ng iba pang tribo na higit sa bilang ng mga Levita? (Bilang 3:46, 47)

18. Ang isang aliping Israelita ay palalayain kung anong mga bahagi ng katawan ang napinsala ng kaniyang panginoon? (Exodo 21:26, 27)

19. Ano ang sinabi ni Jesus na magpapalaya sa isa? (Juan 8:32)

20. Dahil sila’y may parehong interes at magkapantay sa ranggo at posisyon, paano tinawag ni Haring Hiram si Solomon? (1 Hari 9:13)

21. Anong palumpong na pinahahalagahan dahil sa bango nito at bilang isang kosmetiko ang binabanggit lamang sa Awit ni Solomon? (Awit ni Solomon 1:14)

22. Bilang katuparan ng sumpa ni Josue, sino ang nasawi nang muling itayo ng kanilang ama ang Jerico? (1 Hari 16:34)

23. Anong materyal ang ginamit upang di-mapasok ng tubig ang daong ni Noe? (Genesis 6:14)

Sagot sa Maikling Pagsusulit

1. ‘Panatilihin ang kaniyang katinuan, magtiis ng kasamaan, gawin ang gawain ng isang ebanghelisador, lubusang ganapin ang kaniyang ministeryo’

2. Bigtan at Teresh

3. “Makapangyarihang mangangaso na salansang kay Jehova”

4. Ketura

5. Hinipo niya ang panlabas na kasuutan nito

6. “Para sa isang kamelyo na makalusot sa butas ng karayom na panahi”

7. Isang sumpa

8. Ang mga paa at daliri ng paa

9. Isopo 10. Ang kabayo

11. Magsinungaling

12. Agusang libis ng Kerit

13. Ang tribo ni Levi

14. Rufo

15. Hamor

16. Tera

17. Isang halagang pantubos na limang siklo para sa bawat isa

18. Isang mata o isang ngipin

19. Pagkaalam ng katotohanan

20. Kapatid

21. Henna

22. Abiram at Segub

23. Alkitran

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share