Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 4/22 p. 32
  • Natulungan ng Gumising! ang Isang Guro sa Moscow

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natulungan ng Gumising! ang Isang Guro sa Moscow
  • Gumising!—1998
Gumising!—1998
g98 4/22 p. 32

Natulungan ng Gumising! ang Isang Guro sa Moscow

Isang guro ang sumulat sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Russia upang sabihing balak niyang gamitin sa kaniyang mga klase sa paaralan ang mga artikulo sa Gumising! Ganito ang paliwanag niya:

“Nadarama kong nakatutulong sa akin ang Gumising! na makasumpong ng bagong lakas upang mabuhay, mapanauli ang aking kasiglahan, at mapawi sa aking isip ang mga bagay na nakapanlulumo. Nagpapasalamat ako sa inyo dahil sa magagandang artikulo tungkol sa pakikipagbaka ng tao laban sa mga mikrobyo [isyu ng Pebrero 22, 1996]. Natitiyak ko na ang inyong mga magasin ay pakikinabangan ng bawat tahanan na nagtataglay ng mga ito.” Sinabi pa niya: “Gustung-gusto kong makatanggap ng Gumising! . . . Tiyak na matutulungan ako ng inyong magasin.”

Ganito naman ang mababasa sa isang kahawig na sulat, na natanggap mula sa Stavropol, isang lunsod na may populasyong mahigit sa sangkapat ng isang milyon, na nasa mahigit na 700 milya sa gawing timog-silangan ng Moscow: “Nais kong pumidido ng Gumising! Di pa natatagalan ay nakatanggap ako ng dalawang kopya ng magasing ito. Ipinakita ng mga artikulo ang kabatiran sa mga suliraning kinakaharap ng mga tao. Inilarawan ng ilan ang mga bagay na bago sa akin. Ito ang unang pagkakataon na nakasumpong ako ng makatotohanang paglalarawan sa mga bagay-bagay.”

Kung masisiyahan kang makatanggap ng isa pang kopya ng Gumising! o nais mong may dumalaw sa iyong tahanan upang ipakipag-usap sa iyo ang Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watchtower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa angkop na direksiyon sa pahina 5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share