Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 4/22 p. 31
  • ‘Iyon ay Kagaya ng Pagkain ng Pulot-pukyutan’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Iyon ay Kagaya ng Pagkain ng Pulot-pukyutan’
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong sa Pag-aaral ng Brochure na Dapat ba Kayong Maniwala sa Trinidad?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Trinidad ba ang Diyos?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Bahaging 1—Itinuro ba ni Jesus at ng kaniyang mga Alagad ang Doktrina ng Trinidad?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Dapat Ba Kayong Maniwala Rito?
    Dapat Ba Kayong Maniwala sa Trinidad?
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 4/22 p. 31

‘Iyon ay Kagaya ng Pagkain ng Pulot-pukyutan’

NOONG kalagitnaan ng 1993, sa Altus, Oklahoma, E.U.A., isang nababahalang ama, na isang first sergeant sa Hukbong Panghimpapawid ng Estados Unidos, ang nanalangin ukol sa patnubay para matulungan ang kaniyang anak na babae, na nagkakaproblema sa pag-aasawa nito at nagbabalak makipagdiborsiyo. Kinabukasan ay dumalaw sa kaniyang tahanan ang isa sa mga Saksi ni Jehova at nag-alok sa kaniya ng Hulyo 8, 1993, isyu ng Gumising!, na nagtampok sa paksang “Diborsiyo​—Ang Pinto sa Isang Mas Maligayang Buhay?”

Bagaman hindi gusto ng lalaki ang mga Saksi at hindi pa kailanman nakinig sa kanila, agad niyang tinanggap at binasa ang magasing Gumising! Nang maglaon ay ibinahagi niya sa kaniyang anak ang mga kasulatan at mga punto mula rito. Binasa rin niya ang isyu ng Ang Bantayan na iniwang kasama ng Gumising! Mayroon itong artikulo na nag-udyok sa kaniya na pag-isipang mabuti ang kaniyang matagal nang paniniwala sa Trinidad. Natanto niya na sinasagot na ang kaniyang panalangin ukol sa tulong may kinalaman sa kaniyang anak, subalit iniisip niya kung bakit ginagamit ng Diyos ang mga taong hindi naniniwala sa Trinidad upang sagutin ang kaniyang mga panalangin. Nangatuwiran siya na tiyak na hindi ginagamit ng Diyos ang mga tao upang sagutin ang mga panalangin kung hindi naman katotohanan ang itinuturo nila.

Kaya naman naudyukan siyang tumawag sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova upang kumuha ng ilang literatura na nagpapaliwanag nang detalyado ng kanilang paniniwala tungkol sa Trinidad. Ang lalaking sumagot sa telepono ay dumadalo noon sa isang pulong ng Kristiyanong matatanda. Ang sarhento sa hukbong panghimpapawid ay agad nagpunta sa Kingdom Hall, kung saan nabigyan siya ng aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa at ng brosyur na Dapat Ka Bang Maniwala sa Trinidad?

Nang gabing iyon, binasa ng lalaki ang buong brosyur. Gayon na lamang ang pananabik niya habang binabasa ito, sabi niya nang maglaon, anupat kinailangan niyang huminto at sabihin sa kaniyang sarili, ‘Teka muna. Hindi ito puwedeng mangyari. Talagang hindi kapani-paniwala ito.’ Buong-linaw na iniharap ng brosyur ang patotoo ng Bibliya laban sa doktrina ng Trinidad anupat nang mabasa niya ito, nagpaliwanag siya, “iyon ay kagaya lamang ng pagkain ng pulot-pukyutan.” Nang sumunod na gabi ay dumalo siya sa kaniyang unang pulong ng mga Saksi ni Jehova at nasiyahan sa kaniyang narinig.

Pagkatapos ng kaniyang unang pakikipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova at ng isang masusing pagtalakay sa pangmalas ng Bibliya tungkol sa paninigarilyo, dinurog niya ang kaniyang mga sigarilyo at hindi na nagsigarilyo pang muli. Nagdaraos sa kaniya ng pag-aaral sa Bibliya nang ilang beses bawat linggo. Tatlong buwan matapos basahin ang brosyur na Trinidad, at matapos magretiro sa hukbo, nagsimula siyang makibahagi sa pangmadlang pangangaral kasama ng mga Saksi. Pagkaraan ng tatlong buwan ay sinagisagan niya ang kaniyang pag-aalay sa Diyos na Jehova at siya’y nagpabautismo. Naglilingkod siya ngayon bilang isang buong-panahong ministro.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share