Mga Tanong sa Pag-aaral ng Brochure na Dapat ba Kayong Maniwala sa Trinidad?
UNANG LINGGO
Pahina 3, uluhan: “Dapat ba Kayong Maniwala Rito?”
1, 2. Ano ang masasabi hinggil sa doktrina ng Trinidad?
3. Bakit ang paksang Trinidad ay nagbibigay interes sa ating panahon?
4. Sa maikli, ano ang turo ng Trinidad?
5. Ano ang sinasabi niyaong mga hindi naniniwala sa Trinidad?
6. Papaano inilarawan ang pinagmulan ng turo ng Trinidad (a) ng mga tagapagtaguyod nito? (b) ng mga kritiko?
7. Ano ang kalalabasan (a) kung ang Trinidad ay totoo? (b) kung ito ay huwad?
8. Ano ang susuriin sa brochure na ito?
Pahina 3, uluhan: “Papaano Ipinaliliwanag ang Trinidad?”
1. Papaano binibigyang katuturan ng Iglesiya Katolika ang Trinidad?
2, 3. Papaano binibigyang katuturan ng iba pang iglesiya ang doktrina?
Pahina 4:
1. Papaano minamalas ng marami ang paliwanag tungkol sa Trinidad?
2-4. Ano ang sinasabi ng iba’t ibang reperensiya hinggil sa doktrina ng Trinidad?
5, 6. Ano ang sinasabi ng isang Katolikong Encyclopedia hinggil sa mga estudyante sa seminaryo at sa kanilang mga propesor, at papaano natin matitiyak ang katotohanan ng gayong mga komento?
7. Ano ang sinasabi ng isang pareng Jesuita hinggil sa Trinidad?
8. Ano ang tamang obserbasyon ng isang Katolikong teologo?
9. Papaano ipinaliliwanag ng ilan ang pinagmulan ng Trinidad?
10 at pahina 5 par. 1. Ang pagsasabing ang Trinidad ay mula sa banal na kapahayagan ay lumilikha ng anong malaking suliranin?
Pahina 5:
2. Ang mga tao ba ay kailangang maging mga teologo ‘upang makilala ang tunay na Diyos at ang kaniyang anak’?
IKALAWANG LINGGO
Pahina 5, uluhan: “Ito ba ay Maliwanag na Turo sa Bibliya?”
1. Kung ang Trinidad ay totoo, bakit dapat na ito’y maliwanag na itinuturo sa Bibliya?
2. Papaano minamalas ng unang-siglong mananampalataya ang mga Kasulatan?
3, 4. Ano ang saligang ginamit nina apostol Pablo at Jesus sa kanilang turo?
5, 6. (a) Papaano minamalas ng unang siglong mga mananampalataya ang awtoridad ng mga Kasulatan? (b) Ano ang makatuwiran nating asahang masusumpungan sa Bibliya kung totoo ang Trinidad?
7-9. (a) Ano ang kinilala kapuwa ng mga Protestante at Katoliko hinggil sa salitang “Trinidad,” at kailan unang lumitaw ang salita sa teolohiya ng iglesiya? (b) Ang paggamit ba ni Tertullian ng salitang Latin para sa Trinidad ay nangangahulugan na itinuro niya ang doktrina?
Pahina 6:
1, 2. Ano ang kinilala ng dalawang encyclopedia hinggil sa Hebreong Kasulatan at sa Trinidad?
3. Papaano nagkomento ang isang pareng Jesuita sa patotoo ng Hebreong Kasulatan?
4. Ano ang ipinakikita ng pagsusuri sa Hebreong Kasulatan?
5-7. Ano ang sinasabi ng dalawang reperensiya hinggil sa Trinidad at sa Kristiyanong Griyegong Kasulatan?
8-10. Anong mga pagsipi ang maaaring gamitin upang ipakita na ang Trinidad ay hindi itinuro sa Kristiyanong Griyegong Kasulatan?
11, 12. Gaya ng ipinakita ng dalawang mananalaysay, kailan pasimulang itinuro ang Trinidad sa Sangkakristiyanuhan?
13. Sa anong konklusyon umaakay ang ebidensiya?
14-17. Itinuro ba ng sinaunang Kristiyano ang Trinidad?
Pahina 7:
1. Pagkatapos lamang ng anong yugto ng panahon napagtibay ang turo ng Trinidad?
2-4. Papaano minalas ng mga gurong relihiyosong sina Justin Martyr at Irenaeus noong ikalawang siglo ang Diyos at si Kristo?
5, 6. Anong pangmalas ang taglay nina Clement of Alexandria at Tertullian?
7, 8. Noong ikatlong siglo, anong mga komento ang ginawa nina Hippolytus at Origen?
9. Papaano sinuma ng isang mananalaysay ang katibayan hinggil sa Trinidad?
10. Ano ang maliwanag mula sa patotoo ng Bibliya at ng kasaysayan?
IKATLONG LINGGO
Pahina 7, uluhan: “Papaano Nabuo ang Doktrina ng Trinidad?”
1, 2. Ang turo ba ng Trinidad ay lubusang binalangkas sa Konsilyo ng Nicaea noong 325 C.E.?
Pahina 8:
1. Bakit tinawag ni Constantino ang Konsilyo ng Nicaea?
2. Ano ang sinabi ng isang mananalaysay hinggil sa pagkakumberte ni Constantino?
3. Anong papel ang ginampanan ni Constantino sa Nicaea?
4. Talaga bang naunawaan ni Constantino ang mga suliraning teolohikal na pinag-usapan sa Konsilyo ng Nicaea?
5. Sa liwanag ng kung ano ang pinagpasiyahan sa konsilyo ng Nicaea, anong katanungan ang maaaring bumangon?
6, 7. (a) Ano ang nangyari pagkatapos ng konsilyo ng Nicaea? (b) Ano ang pinagtibay sa konsilyo ng Constantinople noong 381 C.E.?
8. Ano ang nangyari pagkaraan ng Konsilyo ng Constantinople, at kailan lamang binalangkas ang Trinidad sa takdang mga kredo?
Pahina 9:
1. Sino si Atanacio, at ano ang sinasabi ng kredo na nagtataglay ng kaniyang pangalan?
2. (a) Si Atanacio ba ang kumatha ng kredo na nagtataglay ng kaniyang pangalan? (b) Gaano katagal bago lumaganap ang kredo ni Atanacio sa Europa?
3. Sa lumipas na maraming dantaon hanggang sa ito’y tinanggap nang malawakan, ano ang lubusang pumatnubay sa mga pagpapasiya?
4. Papaano umaangkop ang kasaysayan ng Trinidad sa hula ng Bibliya?
5, 6. Ano ang inihula ni apostol Pablo at ng iba pang manunulat ng Bibliya?
7. (a) Sino ang sinabi ni Jesus na siyang nasa likuran ng paghiwalay na ito mula sa tunay na Kristiyanismo? (b) Ano ang sinabi ng isang encyclopedia hinggil sa nangyari?
IKAAPAT NA LINGGO
Pahina 10:
1. Anong pagkakahawig mayroon sa sinaunang mga paganong relihiyon, sa mga relihiyon ng Hindu at Buddhista, at niyaong nasa Sangkakristiyanuhan?
Pahina 9 par. 8 at pahina 11 par. 1:
(a) Ano ang karaniwang anyo ng huwad ng relihiyon sa sinaunang mga panahon? (b) Papaano, ayon sa mga mananalaysay, nakapasok ang ideya ng Trinidad sa Kristiyanismo?
Pahina 11:
2, 3. Anong kawing mayroon sa pagitan ng Ehipsiyong pagsamba sa mga paganong trinidad at sa Trinidad ng Sangkakristiyanuhan?
4. Ano ang konklusyon ng dalawang reperensiya hinggil sa pinagmulan ng Trinidad?
5. Anong komento ang ginawa ng Hastings’ Encyclopædia of Religion and Ethics hinggil sa kawing sa pagitan ng mga trinidad ng pagano at ng Trinidad ng Sangkakristiyanuhan?
6, 7. Papaanong ang pilosopong Griyegong si Plato ay nakaimpluwensiya sa dakong huli sa Trinidad ng Sangkakristiyanuhan?
8, 9. Papaanong ang impluwensiya ni Plato sa pag-unlad ng Trinidad ay ipinakikita ng mga mananalaysay?
10, 11. Ano ang nangyari sa katapusan ng ikatlong siglo C.E.?
12. Gaya ng ipinakikita ng isang relihiyosong reperensiya, ano ang masasabi hinggil sa pinagmulan ng Trinidad?
Pahina 12:
1. Kasuwato ng hula ng Bibliya, ano ang ganap na namumukadkad noong ikaapat na siglo C.E.?
2. Ano ang nagpapakita na ang doktrina ng Trinidad ay hindi maaaring mula sa Diyos?
3, 4. (a) Bakit hindi makatuwiran para sa mga Kristiyano na tanggapin ang Trinidad? (b) Ano ang maliwanag na konklusyon natin hinggil sa Trinidad?
Pahina 12, uluhan: “Ano ang Sinasabi ng Bibliya Hinggil sa Diyos at kay Jesus?”
1, 2. Kung babasahin ng tao ang Bibliya nang walang patiunang ideya, ano ang mauunawaan nila hinggil sa Diyos at kay Kristo?
3, 4. Ano ang sinasabi ng isang propesor ng kasaysayang eklesiastikal hinggil sa pangmalas sa Diyos (a) sa Hebreong Kasulatan? (b) sa Griyegong Kasulatan?
Pahina 13:
1. Papaanong ang balarila ng Deuteronomio 6:4 ay nagpapakita na ang Diyos ay isang persona?
2. Ano ang pinatunayan ni apostol Pablo hinggil sa kalikasan ng Diyos?
3. Papaano tinutukoy ang Diyos sa buong Bibliya?
4. Kung totoo ang Trinidad, ano sana ang niliwanag ng mga kinasihang manunulat ng Bibliya?
5. Ano ang niliwanag ng mga manunulat ng Bibliya?
IKALIMANG LINGGO
6. (a) Papaano tinukoy ni Jesus ang Diyos? (b) Bakit si Jehova lamang ang tinatawag na Makapangyarihan-sa-lahat?
7. Bakit tinutukoy si Jehova sa pangmaramihan sa Hebreong Kasulatan?
8. Bagaman ang Hebreong salita para sa Diyos ay nasa pangmaramihan, papaano ito maipakikitang tumutukoy sa iisa lamang persona?
9. Bakit ang kahulugan ng ’elo-himʹ ay nagpapatotoo laban sa Trinidad?
10. Kanino ikinakapit ng Bibliya ang mga salitang “diyos” at “mga diyos”?
Pahina 14:
1. Bakit ang paggamit ng Bibliya sa mga salitang Hebreo para sa “diyos” at “mga diyos” ay hindi umaalalay sa Trinidad?
2. Ayon kay Jesus, saan siya nagmula?
3. Ano ang kalagayan ni Jesus bago pa siya naging tao?
4. Ano ang tawag ng Bibliya kay Jesus bago siya naging tao, at papaano natin dapat unawain ang terminong iyon?
5. Sino ang “Karunungan” sa Bibliya sa aklat ng mga Kawikaan, at papaano siya nagpasimula?
6. Ano ang sinasabi ng Kawikaan 8:30 tungkol kay Jesus bago naging tao, at papaano pinatutunayan ng Colosas 1:16 ang papel niyang ito?
7. Papaanong tinutukoy ng Bibliya ang kaugnayan ng Diyos at ni Jesus sa paglikha ng mga bagay-bagay?
8. Bakit ang paggamit ng mga salitang “atin” at “natin” sa Genesis 1:26 ay hindi nagpapahiwatig ng Trinidad?
9 at pahina 15 par. 1. Papaanong ang tukso kay Jesus ay nagpapakita na hindi siya ang Diyos?
Pahina 15:
2, 3. Ang pagkakaroon ni Jesus ng kalayaang pumili hinggil sa katapatan ay nagpapakita ng ano?
IKAANIM NA LINGGO
4, 5. Upang mabayaran ang kasalanan ni Adan, dapat na maging ano ang pantubos?
6. (a) Kung si Jesus ay naging bahagi ng isang pagka-Diyos, ano sana ang naging kahulugan nito sa haing pantubos? (b) Papaanong ang kalagayan ni Jesus samantalang nasa lupa ay nagpapakita na siya’y hindi maaaring ang Diyos?
7. Papaanong ang bagay na si Jesus ay siyang “bugtong na Anak” ng Diyos ay nagpapatotoo laban sa Trinidad?
8. Sa papaanong paraan sinisikap na ipaliwanag ng ilang relihiyosong reperensiya ang terminong “bugtong na anak,” subali’t bakit hindi ito makatuwiran?
9. Kanino pa bukod kay Jesus ikinakapit ng Bibliya ang salita para sa “bugtong na anak,” at sa anong diwa?
Pahina 16:
1, 2. Ano ang Griyegong salita para sa “bugtong na anak,” at ano ang kahulugan nito?
3. Kapag tinutukoy ng Bibliya ang Diyos bilang ang Ama ni Jesus, ano ang kahulugan nito?
4. Bakit mahalaga kapag gumagamit ang Bibliya ng terminong “bugtong na anak” para kay Jesus?
5. Ano ang nalalaman tungkol kay Jesus maging ng mga demonyo at mga sundalong Romano?
6. Bakit si Jesus ay di maaaring ang Diyos?
7. Papaanong ang bagay na si Jesus ay “tagapamagitan” ay nagpapakita na hindi siya Diyos?
8. Ano ang maliwanag na turo ng Bibliya tungkol sa Diyos at kay Jesus?
IKAPITONG LINGGO
Pahina 16, uluhan: “Ang Diyos ba ay Laging Mas Mataas kay Jesus?”
1, 2. Ano ang maliwanag na ipinakita ni Jesus hinggil sa kaniyang kaugnayan sa Diyos?
Pahina 17:
1. Ano ang sinabi ni Jesus hinggil sa kaniyang sarili na nagpapakitang siya’y bukod sa Diyos?
2. Papaano ipinakita ni apostol Pablo na ang Diyos at si Jesus ay magkabukod at magkaiba?
3. Yamang ang Batas Mosaiko ay humihiling ng dalawang saksi upang mapagtibay ang isang bagay, ano ang ipinakikita nito tungkol kay Jesus at sa Diyos sa kanilang pagiging mga saksi?
4. Papaanong si Jesus, sa Marcos 10:18, ay nagpapakita na siya’y hindi bahagi ng isang pagka-Diyos?
5. Anong pangungusap ang ginamit ni Jesus upang ipakita ang pagiging nakatataas ng Diyos?
6. Papaanong ang isang talinghagang ibinigay ni Jesus ay naghayag ng kaniyang pagpapasakop sa Diyos?
7. Papaano siya minalas ng mga tagasunod ni Jesus?
Pahina 18:
1. Papaanong ipinakikita ng bautismo ni Jesus na siya’y hindi ang Diyos?
2. Ano ang ipinakikita ng pagpapahid ni Jehova kay Jesus?
3. Nang nakikipag-usap sa ina ng dalawang alagad, papaano ipinakita ni Jesus ang pagiging nakatataas ng Ama?
4. Ano ang ipinakikita ng mga panalangin ni Jesus?
5. Nang malapit nang mamatay si Jesus, papaanong ang pagsigaw niya ay nagpakita ng pagiging nakatataas ng Diyos?
6. Papaanong ang kamatayan at pagkabuhay-muli ni Jesus ay nagpapatotoo laban sa kaniyang pagiging Diyos?
7. Bakit ang kakayahan ni Jesus na gumawa ng himala ay hindi nagpapakitang siya ang Diyos?
IKAWALONG LINGGO
Pahina 19:
1. Bakit hindi nalalalaman ni Jesus kung kailan magwawakas ang sistema ng mga bagay na ito?
2. Papaano ipinakikita ng Hebreo 5:8 na hindi maaaring si Jesus ang maging Diyos?
3. Papaano ipinakikita ng Apocalipsis 1:1 na si Jesus ay hindi maaaring ang Diyos?
4, 5. Ang pagdakila kay Jesus pagkatapos ng kaniyang pagkabuhay-muli ay nagsasabi sa atin ng ano?
6-8. Sa papaanong paraan na ang sumusunod na mga tala tungkol sa pagkabuhay-muli ni Jesus ay nagpapatotoo laban sa Trinidad? (a) Hebreo 9:24; (b) Gawa 7:55; (c) Apocalipsis 4:8 hanggang 5:7.
9, 10. Ano ang obserbasyong ginawa ng Rylands Bulletin hinggil sa binuhay-muling si Jesus?
Pahina 20:
1. Gaano katagal magpapatuloy si Jesus sa pagpapasakop sa Diyos?
2. Papaano ipinakikita ng 1 Corinto 11:3 ang pagiging nakahihigit ng Diyos kay Jesus?
3-5. Ang pagsusuri kamakailan ay umakay sa dumaraming bilang ng mga iskolar tungo sa anong konklusyon?
IKASIYAM NA LINGGO:
Pahina 20, uluhan: “Ang Banal na Espiritu—Ang Aktibong Puwersa ng Diyos”
1. Ano ang sinasabi ng turo ng Trinidad hinggil sa banal na espiritu?
2. Sa Bibliya, aling Hebreong salita at aling Griyegong salita ang malimit na ginagamit para sa “espiritu”?
3, 4. Gaya ng ipinakikita sa Genesis 1:2, ano ang sinasabi ng Bibliya kung ano nga ang espiritu?
5. Magbigay ng mga halimbawa kung papaanong nililiwanagan ng espiritu ng Diyos ang kaniyang mga lingkod.
6. Papaano naimpluwensiyahan ng banal na espiritu ang mga manunulat ng Bibliya?
7. Anong halimbawa ang nagpapakita na ang banal na espiritu ay isang puwersa?
Pahina 21:
1. Sa papaanong paraan ginagamit ng Diyos ang kaniyang espiritu?
2. Ano ang maaaring ipagkaloob ng espiritu ng Diyos sa kaniyang mga lingkod?
3. Saan nagmula ang kapangyarihan ni Samson, at ang puwersa bang iyon ay isang persona?
4. Sa anong anyo dumating ang banal na espiritu kay Jesus, at ano ang pinapangyari nitong gawin niya?
5, 6. Sa anong anyo dumating ang banal na espiritu sa mga alagad, na nagpangyari sa kanilang gawin ang ano?
7. Ano ang sinasabi ng isang teologo hinggil sa paggamit ng Bibliya ng personal na pagtukoy upang ilarawan ang banal na espiritu?
8. Papaano inilalarawan ng mga Kasulatan bilang tao ang ilang bagay na hindi mga persona?
Pahina 22:
1. Papaanong ang 1 Juan 5:6-8 ay nagpapakitang ang banal na espiritu ay hindi isang persona?
2. Anong karaniwang mga pananalita sa Bibliya ang nagpapakita na ang banal na espiritu ay hindi isang persona?
3. Papaano natin maipaliliwanag ang sinasabi ng Bibliya na ang banal na espiritu ay nagsasalita?
4. Ano ang kahulugan ng Mateo 28:19 nang sinabi nitong “sa pangalan . . . . ng banal na espiritu”?
IKASAMPUNG LINGGO
5. (a) Nang gamitin ni Jesus ang Griyegong salita para sa “katulong,” bakit niya ginamit ang panghalip na panao na panlalaki? (b) Anong panghalip ang ginamit may kaugnayan sa pambalaking Griyegong salita para sa “espiritu”?
6. Papaano inamin ng isang Bibliyang Katoliko na ang paggamit nito ng panghalip na panao na panlalaki para sa salitang “espiritu” ay hindi makatuwiran?
7. Bakit gumamit ang Griyegong teksto ng mga panghalip na panao na panlalaki para sa salitang “katulong”?
8-10. Ano ang kinilala ng dalawang Katolikong reperensiya hinggil sa banal na espiritu?
11, 12. Papaano sinuportahan ng dalawang Katolikong reperensiya ang pangmalas ng Bibliya sa banal na espiritu?
Pahina 23:
1. Kailan ipinahayag ng Sangkakristiyanuhan na ang banal na espiritu ay isang persona?
2. Ano ang banal na espiritu ng Diyos, at hindi ito isang ano?
Pahina 23, uluhan: “Kumusta ang ‘Mga Tekstong Patotoo’ sa Trinidad?”
1, 2. Ano ang dapat na ingatan sa isipan hinggil sa anumang teksto sa Bibliya na ginagamit na patotoo sa Trinidad?
3. Anong tatlong “tekstong patotoo” ang inihaharap ng isang Katolikong encyclopedia?
4. Ano ang sinasabi ng mga teksto na inihaharap bilang patotoo sa Trinidad?
5-7. Ano ang talagang pinatutunayan ng mga tekstong ito na inihaharap bilang patotoo sa Trinidad, gaya ng kinilala ng Cyclopedia nina McClintock at Strong?
8. Bagaman ang Diyos, si Jesus, at ang banal na espiritu ay binanggit ng ulat sa Mateo 3:16, bakit hindi ito umaalalay sa Trinidad?
9. Bakit maaari nating alisin ang teksto sa 1 Juan 5:7, gaya ng masusumpungan sa ilang mga matatandang salin ng Bibliya?
Pahina 24:
1. Bakit ang iba pang mga “tekstong patotoo” ay hindi umaalalay sa Trinidad?
IKALABING-ISANG LINGGO
2. Papaano ipinakita mismo ni Jesus kung ano ang ibig niyang tukuyin nang sabihin niyang: “Ako at ang Ama ay iisa”?
3. Papaanong ang paggamit ni Pablo ng Griyegong salita para sa “isa” ay nagpapakita na ang ganito ring salita sa Juan 10:30 ay nangangahulugan ng iisang kaisipan at layunin?
4. Sa ika-16 na siglo, ano ang sinabi ni John Calvin tungkol sa paggamit ng Juan 10:30 upang umalalay sa Trinidad?
5. Sa kabanata 10 ng Juan, papaano nangatuwiran si Jesus na hindi siya ang Diyos?
6-8. Sa Juan 5:18, anong paratang ang ginawa ng mga Judio laban kay Jesus, at papaano niya sinagot ito?
Pahina 25:
1. Papaanong ang Douay Version at ang King James Version ay nagsalin ng Filipos 2:6, at sa anong layunin?
2-7. Papaanong ang iba’t ibang bersiyon ng Bibliya ay nagsalin sa Filipos 2:6 at ipinakita ang kahulugan na kasalungat ng layunin ng Douay Version at ng King James Version?
8, 9. (a) Anong pag-aangkin ang ginawa hinggil sa mas tumpak na pagsasalin ng Filipos 2:6? (b) Bakit ang Griyegong ginamit sa Filipos 2:6 ay hindi nagpapahintulot sa ideya na si Jesus ay kapantay ng Diyos?
10. Ang mga salin na nagsalin sa Filipos 2:6 upang mangahulugan na hindi inisip ni Jesus na mali na maging kapantay ng Diyos ay gumagawa ng ano, subali’t ano ang inihahayag ng walang pagkiling na pagbabasa ng Griyego?
11. Papaanong ang mga talatang nauna sa Filipos 2:6 ay nagpapakita na hindi nais ni Jesus na maging kapantay ng Diyos?
Pahina 26:
1. Ano ang aktuwal na pinag-uusapan sa Filipos 2:3-8?
IKALABINDALAWANG LINGGO
2. Papaano sinisikap ng mga trinitaryo na gamitin ang Juan 8:58 upang umalalay sa Trinidad?
3. Papaanong ang Exodo 3:14 (KJ) ay gumagamit ng “AKO NGA,” at ano ang kahulugan nito?
4. Papaano ginamit ni Jesus ang pananalitang “Ako Nga,” sa Juan 8:58 (JB)?
5-9. Papaano isinasalin ng iba’t ibang Bibliya ang Juan 8:58?
10. Ano ang tunay na diwa ng Griyego sa Juan 8:58?
11. Papaanong ang mga talatang nauna sa Juan 8:58 ay nagpapakita kung ano ang ibig sabihin ni Jesus?
12. Papaano ang pagkakasalin ng King James Version sa Juan 1:1?
13. Papaanong kahit na ang King James Version ay nagpapakita na “ang Salita” ay hindi maaaring ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat mismo, gaya ng ipinakita ng isang manunulat na Katoliko?
Pahina 27:
1-10. Papaano isinalin ng iba’t ibang Bibliya ang huling bahagi ng Juan 1:1?
11. Ano ang ipinakikita ng paggamit ng tiyak na pantukoy sa Griyego hinggil sa unang the·osʹ sa Juan 1:1?
12. Yamang walang tiyak na pantukoy sa ikalawang paggamit ng the·osʹ sa huling bahagi ng Juan 1:1, magiging ano ang literal na pagsasalin ng pariralang iyon?
13. (a) Bakit ang tekstong Griyegong Koine ay hindi gumagamit ng pantukoy na di-tiyak sa ikalawang the·osʹ? (b) Kapag ang pangngalang panaguri ay hindi kasunod ng isang tiyak na pantukoy, kailan ito maaaring maging walang katiyakan?
14. Ano ang sinasabi ng Journal of Biblical Literature tungkol sa huling bahagi ng Juan 1:1?
15. Ano ang itinatampok ng Juan 1:1 hinggil kay Jesus bago siya naging tao?
16. Bakit ang pantukoy na di-tiyak na “isang” kung minsan ay isinisingit ng mga tagapagsalin sa mga teksto ng Kasulatang Griyego?
17. Anong komento ang ginawa ng dalawang iskolar hinggil sa Juan 1:1?
IKALABINTATLONG LINGGO
Pahina 28:
1, 2. Ang pagsasalin ba ng ikalawang the·osʹ sa Juan 1:1 na “isang diyos” ay lumalabag sa alinmang balarilang Griyego?
3, 4. Ang konteksto ba ng huling bahagi ng Juan 1:1 ay humihiling ng pantukoy na di-tiyak sa unahan ng salitang the·osʹ?
5, 6. Bakit ang pagtawag kay Jesus na “isang diyos” ay hindi kasalungat ng pagkakaroon lamang ng iisang Diyos?
7. Papaanong ang terminong “Makapangyarihang Diyos” na ikinakapit kay Jesus sa Isaias 9:6 ay nagpapakitang hindi siya si Jehovang Diyos?
8. Anong komento ang ginawa ng Rylands Bulletin hinggil sa Diyos at kay Jesus?
Pahina 29:
1. Ano ang maaaring tinutukoy ni Tomas ng kaniyang sabihing, “Aking Panginoon at aking Diyos,” gaya ng masusumpungan sa Juan 20:28?
2. Papaanong ang konteksto ng Juan 20:28 ay nakatutulong sa atin na unawaing hindi nais tukuyin ni Tomas na si Jesus ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat?
3. Papaano tumutulong ang Juan 20:31 upang liwanagin ang Juan 20:28?
4. Ano ang maaaring sabihin tungkol sa alinmang teksto na inihaharap bilang patotoo sa Trinidad?
5. Mayroon ba kahit na isang teksto lamang na maliwanag na nagtuturo ng Trinidad?
IKALABING-APAT NA LINGGO
Pahina 30, uluhan: “Sambahin ang Diyos Batay sa Kaniyang mga Kondisyon”
1. Anong uri ng kaalaman ang mahalaga para sa buhay na walang hanggan?
2. (a) Sabihin kung ano ang bukal ng katotohanan tungkol sa Diyos. (b) Ang pagkaalam ng katotohanan ay tutulong sa atin na maiwasan ang ano?
3. Kung nais natin ang pagsang-ayon ng Diyos, ano ang dapat nating itanong sa ating sarili?
4. Papaanong ang turo ng Trinidad ay nakakainsulto sa Diyos?
5. Ano ang idinulot ng turo ng Trinidad?
6. Kapag ang mga tao ay hindi nanghahawakan sa Diyos ayon “sa tumpak na kaalaman,” anong mga pagkilos ang susunod nilang gagawin?
7. Papaano iniinsulto ng mga Trinitaryo ang Diyos?
8. Papaano ipinakikilala ng Salita ng Diyos ang mga nagtataglay ng katotohanan at yaong wala nito?
9. Ano ang sinabi ng isang teologong taga-Denamarka hinggil sa Sangkakristiyanuhan?
10. Papaano maaaring ilarawan ang espirituwal na kalagayan ng Sangkakristiyanuhan?
Pahina 31:
1. Papaano malapit nang hatulan ang Sangkakristiyanuhan, at bakit?
2. Bakit dapat nating itakwil ang Trinidad?
3. Kaninong interes ang pinaglilingkuran ng turo ng Trinidad?
4. Bakit nagdudulot ng malaking kaginhawahan ang tumpak na kaalaman sa Diyos?
5. Anong mahalagang dahilan ang taglay natin upang parangalan ang Diyos?