Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG HULYO 9-15
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ilakip ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan sa sanlinggo. Itanghal ang paggamit ng Paksang Mapag-uusapan sa paghaharap ng mga brochure.
20 min: “Ibahagi ang Espirituwal na Kayamanan sa Iba.” Tanong-sagot na pagtalakay. Buong lugod na magpasigla ukol sa saganang pagbibigay natin sa espirituwal. Habang ipinahihintulot ng panahon, magharap ng mga piling karanasan hinggil sa paglalagay ng mga brochure.
15 min: “Kung Papaano Tutulungan ang mga Nanlulumo Upang Muling Magalak.” Pahayag salig sa artikulo sa Marso 15, 1990 Bantayan, pahina 26-30.
Awit 178 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HULYO 16-22
5 min: Lokal na mga patalastas, ulat ng kuwenta, at pagpapasalamat sa mga abuloy.
10 min: “Tanong.” Pahayag ng matanda.
20 min: “Maging Bihasa sa Inyong Ministeryo.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Kapag isinasaalang-alang ang mga parapo 5 at 6, itanghal ang paggamit ng mga mungkahi na masusumpungan sa Hulyo 15, 1988 ng Bantayan at sa aklat na Nangangatuwiran. Gayundin, ilalahad ng mga mamamahayag ang mabubuting resultang tinamo sa lokal na paraan sa pagkakapit ng mga mungkahing natanggap sa pamamagitan ng organisasyon ng Diyos.
10 min: Papaano Magpapasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya. Kapanayamin ang dalawa o tatlong mamamahayag na naging matagumpay sa pagpapasimula ng mga pag-aaral. Ano ang nasumpungan nilang mabisa? Papaano nila napanatiling buháy ang panimulang interes? Magharap ng maikling presentasyon kung papaano magpapasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw at kapag gumagawa ng isang pagdalaw-muli.
Awit 143 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HULYO 23-29
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Ilakip ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan sa natitirang bahagi ng linggo. Habang ipinahihintulot ng panahon, banggitin ang mga litaw na punto sa kasalukuyang mga magasin.
20 min: “Sinasapatan ang Inyong Espirituwal na Pangangailangan.” Tanong-sagot na pagsasaalang-alang ng artikulo. Kapanayamin ang isang ulo ng pamilya at isang walang asawang mamamahayag kung papaano nila hinarap ang hamon na humanap ng panahon upang masapatan ang kanilang espirituwal na pangangailangan. Pasiglahin ang mga kapatid na suriin ang kanilang sariling mga kaayusan at pagsikapang gumawa ng kinakailangang pagsulong.
15 min: Lokal na mga pangangailangan o Saloobin ng mga Tunay na Kristiyano sa Sanlibutan at sa mga Tao na Bahagi Nito. Pahayag ng matanda salig sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 389-90 (437-8 sa Ingles).
Awit 177 at pansarang panalangin.
LINGGO NG HULYO 30–AGOSTO 5
10 min: Lokal na mga patalastas. Ilahad ang isa o dalawang mga karanasan sa larangan ng mga kapatid na nag-alok ng brochure. Ipatalastas ang mga pamagat ng brochure na makukuha ng kongregasyon para gamitin sa Agosto. Itanghal kung papaanong ang isang brochure ay magagamit sa lokal na teritoryo. Pasiglahin ang mga kapatid na makibahagi sa paglilingkod sa larangan sa susunod na linggo.
15 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Bilang Isang Pamilya.” Tanong-sagot na pagkubre sa materyal. Magtanong lamang ng isa o dalawang katanungan sa bawa’t parapo upang ang lahat ng mga parapo ay mabasa.
20 min: “Tulong sa Tamang Panahon.” Tatalakayin ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang artikulo sa tagapakinig. Itampok ang mga kapakinabangan ng kaayusan para sa tagapangasiwa sa paglilingkod na dumalaw sa mga grupo ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Pasiglahin ang lahat na gumawa ng pantanging pagsisikap upang makibahagi sa linggo ng gawain samantalang dumadalaw ang tagapangasiwa sa paglilingkod.
Awit 214 at pansarang panalangin.