Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 8/8 p. 15-27
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Gumising!—1998
  • Subtitulo
  • Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
Gumising!—1998
g98 8/8 p. 15-27

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa mga binanggit na teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nakalimbag sa pahina 27. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa publikasyong “Insight on the Scriptures,” inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)

1. Dahil sa paghahain na ginampanan ni Jesus, ipinakilala ni Juan na Tagapagbautismo si Jesus bilang ano? (Juan 1:29)

2. Anong lupain sa “pinakamalalayong bahagi ng hilaga” na pinanggalingan ng hukbo ni Gog? (Ezekiel 38:2, 15)

3. Ano ang sinisira ng “masasamang kasama”? (1 Corinto 15:33)

4. Sa anong paraan ang may-gulang na mga tao ay “nasanay ang kanilang mga kakayahan sa pang-unawa na makilala kapuwa ang tama at ang mali”? (Hebreo 5:14)

5. Nang tangkaing agawin ang pagkahari, ano ang ginawa kapuwa nina Absalom at Adonias? (2 Samuel 15:1; 1 Hari 1:5)

6. Ayon kay Pablo, ano ang hindi maaaring magsabi sa kamay: “Hindi kita kailangan”? (1 Corinto 12:21)

7. Sino ang ama ni Josue? (Josue 1:1)

8. Inihula ni Mikas na sa mga huling araw, ‘ang bundok ng bahay ni Jehova ay matatag na matatayo’ saan? (Mikas 4:1)

9. Saan pinagbabato si Acan at ang kaniyang sambahayan hanggang sa mamatay? (Josue 7:24)

10. Sa pagdiriin ng pangangailangan ng pananampalataya, ano ang sinabi ni Pablo na dapat paniwalaan ng isa tungkol sa Diyos? (Hebreo 11:6)

11. Sino ang naging apo ni Cain? (Genesis 4:18)

12. Ano ang angkang pinagmulan ni Haring Saul? (1 Samuel 9:21)

13. Sinong propeta ang ginamit ng Diyos upang papiliin si David sa tatlong kaparusahan dahil sa kapangahasan nitong magsagawa ng pagbilang? (1 Cronica 21:9-12)

14. Sino ang nagkasala ng pakikiapid sa Babilonyang Dakila? (Apocalipsis 17:2)

15. Anong buwan ang iniatas ni Jehova bilang siyang una sa sagradong kalendaryo ng mga Judio? (Esther 3:7)

16. Sino ang nanguna sa alyansa ng mga hari na bumihag sa pamangkin ni Abraham na si Lot? (Genesis 14:9)

17. Sa pagkakabanggit ng anong dalawang piraso ng kasuutan kung kaya napag-unawa ni Ahazias na si Elias ang siyang nagpadala ng mensahe na ang hari ay mamamatay sa kaniyang higaan? (2 Hari 1:8)

18. Anong gawain ang iniatas sa dalagang Shulamita ng kaniyang mga kapatid, na naging sanhi ng pag-itim ng kaniyang balat? (Awit ni Solomon 1:6)

19. Anong pagbaybay sa pangalan ng Diyos ang sinasang-ayunan ng maraming iskolar?

20. Anong pangalan ang ipinagkaloob sa Mandirigmang-Hari, si Jesus, at nakasulat sa kaniyang panlabas na kasuutan? (Apocalipsis 19:16)

Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit

1. “Ang Kordero Ng Diyos Na Nag-aalis Ng Kasalanan Ng Sanlibutan”

2. Magog

3. “Kapaki-pakinabang Na Mga Kinaugalian”

4. “Sa Pamamagitan Ng Paggamit”

5. Bawat Isa Ay Nagpagawa Ng Isang Karo Para Sa Sarili, Na May 50 Lalaki Na Tumatakbo Sa Unahan Nito

6. Ang Mata

7. Si Nun

8. “Sa Itaas Ng Taluktok Ng Mga Bundok”

9. Sa Mababang Kapatagan Ng Acor

10. “Na Siya Nga At Na Siya Ang Nagiging Tagapagbigay-gantimpala Doon Sa Mga Marubdob Na Humahanap Sa Kaniya”

11. Si Irad 12. Tribo Ni Benjamin

13. Si Gad

14. Ang “Mga Hari Sa Lupa”

15. Nisan

16. Si Kedorlaomer, Ang Hari Ng Elam

17. Isang Kasuutang Balahibo At Isang Sinturong Katad

18. Tagapag-alaga Ng Mga Ubasan

19. Yahweh

20. “Hari Ng Mga Hari At Panginoon Ng Mga Panginoon”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share