Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 10/8 p. 20-27
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Gumising!—1998
  • Subtitulo
  • Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
Gumising!—1998
g98 10/8 p. 20-27

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa pagsusulit na ito ay masusumpungan sa siniping mga teksto sa Bibliya, at ang kumpletong listahan ng mga sagot ay nasa pahina 27. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)

1. Anong iba pang pangalan ang itinawag sa Dagat ng Galilea, na kinuha mula sa isang lunsod sa kanluraning baybayin nito? (Juan 6:1; 21:1)

2. Saang dako kinailangang tumigil ang 200 sa 600 mandirigmang lalaki ni David dahil sa sobrang pagod sa pagtugis sa mga nananalakay na Amalekita na bumihag sa dalawang asawa ni David? (1 Samuel 30:9, 10)

3. Ano ang ginamit ni Rahab upang itago ang dalawang Israelitang tiktik? (Josue 2:6)

4. Ano ang sinabi ni Pablo na makatutulong sa mga Kristiyano upang sila’y ‘kasiya-siyang makapag-ukol sa Diyos ng sagradong paglilingkod’? (Hebreo 12:28)

5. Ayon sa Batas Mosaiko, ano ang dapat gawin ng isang panginoon kung ayaw ng kaniyang alipin na maging malaya? (Exodo 21:6)

6. Anong lunsod ng Edom ang naging kilala bilanjuag sentro ng karunungan? (Jeremias 49:7)

7. Sa anong kahoy yari ang mga pintuan ng Kabanal-banalang Dako ng templo ni Solomon? (1 Hari 6:31-33)

8. Ayon sa Kawikaan 6:17-19, ano ang pitong bagay na kinapopootan ni Jehova?

9. Ano ang huling letra sa alpabetong Hebreo? (Awit 119:169, superskripsiyon)

10. Ano ang sinabi ni Pablo na nangyayari roon sa mga naghahasik nang kakaunti, kung ihahambing doon sa mga naghahasik nang sagana? (2 Corinto 9:6)

11. Nang kaniyang hamunin si Jehova na ipagkait ang pagpapala kay Job, ano ang iginiit ni Satanas na gagawin ni Job? (Job 1:11)

12. Ano ang mangyayari sa “pangalan ng mga balakyot”? (Kawikaan 10:7)

13. Nang linisin ni Jesus ang sampung ketongin, ilan sa kanila ang napatunayang walang utang-na-loob? (Lucas 17:17)

14. Ano ang ginawa ng mga Israelita bago bumagsak ang mga pader ng Jerico? (Josue 6:5)

15. Anong mga pagbabawal ang itinakda sa mga Israelita na nagkataong nakasumpong ng isang namumugad na ibon? (Deuteronomio 22:6, 7)

16. Bakit binigyan ni Jehova ang mga Israelita ng pantanging pabor? (Isaias 41:8)

17. Ilang prinsipe na nagsilbing tagapayo ni Haring Ahasuero ang sumang-ayon sa hatol kay Reyna Vasti? (Esther 1:14)

18. Isang haing inihandog kay Jehova anupat walang bahagi nito ang ititira sa mananamba. (Levitico 1:4)

19. Anong dalawang bagay ang sinabi ni Pablo na dapat gawin ng isa upang maligtas? (Roma 10:9)

20. Mga gaano katagal itinayo ni Solomon ang templo? (1 Hari 6:1, 38)

21. Noong sinaunang panahon, ano ang ginagawa kung minsan sa isang nabihag na kaaway upang ito ay pinsalain? (Hukom 1:6)

22. Saan unang itinago ni Moises ang mga tapyas na bato ng Batas? (Deuteronomio 10:1-5)

23. Aling aklat sa Bibliya ang pangunahing bumabanggit sa gawain nina Pedro at Pablo?

24. Ano ang pangalan ng aliping babae na, dahil sa malaking kagalakan sa pagkarinig sa boses ni Pedro, ay nagtatakbo upang ibalita sa iba na nasa pintuan si Pedro nang hindi man lamang siya pinapapasok? (Gawa 12:13, 14)

Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit

1. Ang Dagat ng Tiberias

2. Ang agusang libis ng Besor

3. Mga tangkay ng lino

4. “Maka-Diyos na takot at sindak”

5. ‘Bubutasan ang kaniyang tainga ng isang balibol’

6. Teman

7. Kahoy ng punong-langis

8. “Matayog na mga mata, bulaang dila, at mga kamay na nagbububo ng walang-salang dugo, pusong kumakatha ng mga mapanakit na pakana, mga paang nagmamadali sa pagtakbo sa kasamaan, bulaang saksi na nagbubunsod ng mga kasinungalingan, at sinumang naghahasik ng mga pagtatalo sa gitna ng magkakapatid”

9. Taw

10. Nag-aani sila ayon sa kanilang inihasik

11. Isusumpa si Jehova nang mukhaan

12. Ito’y mabubulok

13. Siyam

14. Sumigaw

15. Maaari nilang kunin ang mga inakay, subalit hindi ang inahin

16. Sila ang “binhi ni Abraham,” ang kaibigan ni Jehova

17. Pito

18. Isang handog na susunugin

19. Kailangang ipahayag ng isa sa madla na si Jesus ay Panginoon at manampalataya na ibinangon ng Diyos si Jesus mula sa mga patay

20. Pitong taon

21. Pinuputol ang kaniyang mga hinlalaki sa kamay at paa

22. Sa isang kaban na yari sa kahoy na akasya

23. Mga Gawa

24. Rhoda

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share